Angel Locsin, likas na matulungin sa kapwa, senyales raw ng pagpasok niya sa pulitika

Angel Locsin, likas na matulungin sa kapwa, senyales raw ng pagpasok niya sa pulitika

- Kamakailan, nagdiwang ng kaarawan si Angel Locsin sa Anawim Home for the Aged

- Di ito ang unang pagkakataon na tumulong ang Kapamilya aktres sa kapwa niya Pilipino na nangangailangan ng tulong at kalinga

- Usap-usapan ngayon ang malaking posibilidad na maaring pasukin ng aktres ang pulitika dahil sa likas na pagiging matulungin nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Imbis na magkaroon ng magarbong party, mas pinili pa ni Angel Locsin na ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ang mga matatanda sa Anawim Home for the aged.

Nalaman ng KAMI na labis na ikinatuwa ito ng mga matatandang nangangailangan talaga ng kalinga at bakas na bakas ang kasiyahan nila sa kanilang mga ngiti.

Sa kanyang instagram, binahagi rin ni Angel ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga fans na siyang nag-organize ng nasabing programa.

Alam na alam daw ng kanyang fans na mas gugustuhin niya ang ganitong selebrasyon kung saan ang pondo ay mas pinili pa nilang ibigay sa Anawim bilang donasyon.

Nagpasalamat din si Angel sa kanyang mga endorsements sa tulong ng mga ito at sa pagpunta sa kanyang simple ngunit makabuluhang selebrasyon.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa ni Angel. Sa kasagsagan ng tensyon sa Marawi, minabuti ni Angel na dalawin ang mga 'bakwit' doon.

Isa siya sa mga nagsilbing volunteer upangmaghatid ng tulong sa mga evacuees ng Marawi at hindi lang iyon, may kasama pang yakap ang mga salitang pampalakas ng loob ang ginawa ni Angel na siyang nakapagpangiti kahit paano sa mga tao roon.

Dahil dito, sa likas niyang pagiging matulungin, may ilang nagkomento na maari raw niyang pasukin ang Public Service o maging ang Pulitika.

Sabi pa ng ilang komento, si Angel daw talaga ang tunay na 'Darna' ng bayan.

Karamihan din sa mga komento ng netizens ay kung gaano kaganda ang puso ni Angel.

"Ang galing at ang bait pa Kaya Kita idol noon pa hanggang ngaun"

"Lucky for them to have been kissed and touched by an “Angel”"

"I love you angel idol na idol kta"

"yan c idol...mabuting puso...luvyou idol"

"Beautiful Indeed"

"Happy birthday ate Angel. Keep on inspiring us"

Noon pang April 23 ang kaarawan ni Angel.

Matapos ang kanyang pagiging hurado sa Pilipinas got Talent 2018, muling mapapanood si Angel sa teleserye The General's daughter.

Makakasama ni Angel sa teleseryeng ito sina Diamond star Maricel Soriano, Janice de Belen, Eula Valdez at ang pinaka-bagong Kapamilya na si Ryza Cenon.

Be amazed with this young Pinoy artist's extraordinary masterpiece. André Manguba makes celeb portraits using pasta and ketchup | Kami Stories on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ex-girlfriend ni Prince Harry na si Chelsy Davy, emosyonal sa huling phone call ng prinsipe bago siya ikasal

Ex-girlfriend ni Prince Harry na si Chelsy Davy, emosyonal sa huling phone call ng prinsipe bago siya ikasal

Ex-girlfriend ni Prince Harry na si Chelsy Davy, emosyonal sa huling phone call ng prinsipe bago siya ikasal
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel