5 Pinay celebrity moms na maganda ang relasyon sa tatay ng mga anak nila kahit hiwalay na sila

5 Pinay celebrity moms na maganda ang relasyon sa tatay ng mga anak nila kahit hiwalay na sila

Maraming mga couples na nananatiling magkaaway pagkatapos maghiwalay kahit pa mayroon silang anak.

Pero nalaman ng KAMI na marami rin ang magkasundo pa rin kahit naghiwalay pa, alang-alang sa mga anak nila.

Ni-report ng PEP.ph ang ilang celebrity mothers na kasundo pa rin ang mga ex-partners nila matapos ang hiwalayan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

1. Sunshine Dizon

Noong una silang maghiwalay dahil sa pambabae raw ni Timothy Tan, galit na galit si Sunshine sa kaniya.

Pagkalipas ng ilang panahon, lumambot na rin ang puso ni Sunshine at pinayagan na rin si Timothy na pumunta sa special events ng buhay ng anak nila.

Mukhang hindi na rin imposible na magkabalikan sila sa future.

2. Jodi Sta. Maria

Palagi pa rin nakakasama ng aktres ang ex-husband niyang si Pampi Lacson, maging ang bagong asawa nito na si Iwa Motto.

Dahil dito, masayang-masaya ang anak nilang si Thirdy.

3. Lotlot de Leon

Mayroon apat na anak sila Lotlot at Ramon Christopher – sila Janine, Jessica, Diego, and Maxine.

Alang-alang sa kanilang mga anak, payapa silang nakakapag sama lalo na sa special events sa buhay ng kanilang mga anak.

4. Jennylyn Mercado

Partner ni Jennylyn Mercardo noon si Patrick Garcia. Dahil sa pag reach out sa kaniya ng bagong partner ni Patrick na si Nikki, nagkabati rin ang dalawa.

Naging ring bearer pa ang anak nilang si Jazz sa kasal nila Patrick at Nikki.

5. Ara Mina

Naghiwalay noong 2015 sila Ara at Bulacan Mayor Patrick Meneses. Sa kabila nito, nakakasama pa rin ng anak ni Ara na si Amanda Gabrielle ang kaniyang tatay.

Naniniwala ang KAMI na ang pagpapatawad ay ang susi sa pagtatamo ng kapayapaan sa buhay!

“It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" To All Single Moms Out There (Parenting Documentary) – on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Selfish daw! Daniel Matsunaga, binatikos ng netizens dahil sa post matapos makabundol

Selfish daw! Daniel Matsunaga, binatikos ng netizens dahil sa post matapos makabundol

Selfish daw! Daniel Matsunaga, binatikos ng netizens dahil sa post matapos makabundol
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel