'Single ka naman ngayon, di ba?' JM de Guzman, nilaglag si Barbie Imperial sa hiwalayan umano nila ni Paul Salas!

'Single ka naman ngayon, di ba?' JM de Guzman, nilaglag si Barbie Imperial sa hiwalayan umano nila ni Paul Salas!

- Binuking ni JM de Guzman na single na ulit ang leading lady niya na si Barbie Imperial

- Sa isang press conference, inalok ng aktor ang dalaga kung gusto niya ba ng 'rebound' na relationship para makamove on sa ex-boyfriend

- Pabiro namang sinabi ni Barbie na hindi niya alam ang sasabihin dahil inunahan siya ng ka-loveteam na ishare ang balita ng kanilang hiwalayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mukhang dumulas sa bibig ni JM de Guzman na hiwalay na nga sina Barbie Imperial at boyfriend nitong si Paul Salas.

Sa isang press conference para sa kanilang teleseryeng, 'Araw-Gabi', binuking ni JM ang leading lady ng tanungin ito kung puwede bang maging sila.

“So, ang sarap na i-maintain nang ganun. Minsan mapapaisip ka rin, ‘What if nga?’”, tanong ni JM kay Barbie, “Puwede ba? Single ka naman ngayon, di ba?”

Gulat na tumingin si Barbie sa leading man at sinabing hindi niya alam kung anong isasagot niya at anong sasabihin sa press.

“Minsan talaga ang sarap sapakin ng mga pinapangunahan kang mag-announce, e, ‘no?”, pabirong sabi ng dalaga. "Wait lang, hindi ko alam kung anong ire-react ko. Lagi niya ako pinapangunahan sa mga interview. Mamaya ka sa akin!"

Tuloy pa din si JM sa pagkukumbinsi kay Barbie na i-consider ang posibilidad na maging sila. “I’ll cry with you. I’ll comfort you." Tanong pa ni JM, "Gusto mo rebound?”

Gumanti naman si Barbie ng takutin ang aktor kung gusto ba niya magbukingan sila sa harapan ng media.

"Gusto mo magbukingan tayo dito?" na sinagot naman ni JM ng "“Hindi na. Huwag. Cut niyo na ‘yan.”

Unang pagtatambal nina JM at Barbie ang top rated afternoon drama na Araw-Gabi sa Kapamilya Network. Matatandaan na viral sina Barbie at di umanoy 'ex' niyang si Paul Salas ng makabangga si Daniel Padilla sa Twitter. Si JM naman ay napapabalitang karelasyon ang aktres na si Meg Imperial.


"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang yaman! Bianca Gonzalez at JC Intal magpapatayo ng bagong bahay

Ang yaman! Bianca Gonzalez at JC Intal magpapatayo ng bagong bahay

Ang yaman! Bianca Gonzalez at JC Intal magpapatayo ng bagong bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel