Judy Ann Santos, bumirit ng kanta ng Aegis kasama sina Angelica Panganiban at Sarah Geronimo sa kanyang birthday party

Judy Ann Santos, bumirit ng kanta ng Aegis kasama sina Angelica Panganiban at Sarah Geronimo sa kanyang birthday party

- Todo bigay sa pagkanta ng 'Luha' na awitin ng Aegis ang birthday girl na si Judy Ann Santos at kanyang mga kaibigan na sina Angelica Panganiban at Sarah Geronimo

- Si Judy Ann ay nagkaroon ng surpresang birthday party mula sa kanyang asawa na si Ryan Agoncillo

- Bukod kina Angelica at Sarah, dumalo rin ang mga kaibigan at pamilya ni Juday

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

40 taong gulang na si Judy Ann Santos sa kanyang kaarawan ngayong Mayo 11.

Di niya inaasahan na naghanda pala ng surpresang party ang kanyang asawa na si Ryan Agoncillo sa bisperas ng kanyang kaarawan.

Nalaman ng KAMI na naki-jam ang may kaarawan na si Judy Ann Santos sa bandang Aegis sa kantang 'Luha'.

Sinamahan pa sila nina Angelica Panganiban at Sarah Geronimo na nakipagbiritan din sa kanila.

Nakunan ng video ng kilalang Talent manager na si Noel Ferrer ang biritan sa kantahan ng tatlo.

Samantala, isang video rin ang binahagi ni Noel kung saan makikitang nagbibigay ng mensahe ang nanay ni Juday na si Mommy Carol.

"Wala na akong masasabi gusto ko lang malusog ka parati, pag-ingatan mo ang katawan mo! I love you so much" ani Mommy Carol sa kanyang Juday.

Pinasalamatan din ni Mommy Carol si Ryan dahil sa pag-aalaga at pag-aaruga nito sa kanyang anak na si Juday.

"Ryan... Bab! Thanks for making my daughter happy... i love yous so much, Thank You!,"dagdag pa ni Mommy Carol.

"Siya ang favorite kong son-in-law" pahabol pa ng nanay ni Juday.

Maging ang kakauwi pa lamang na PopStar Royalty na si Sarah Geronimo ay nagbigay din ng mensahe para kay Juday.

"Grabe ate, Grabe ate yung pagmamahal mo. I hope one day masuklian ko yung pagmamahal mo. I love you ate!," emosyonal na sinabi ni Sarah sa kanyang Ate.

Huling nagsama sa pelikula sina Angelica Panganiban at Judy Ann sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes na pinalabas sa mga sinehan noong Enero 208.

Habang sina Sarah at Juday naman ay nagkasama sa pelikulang " Hating Kapatid" noong 2010.

Be amazed with this young Pinoy artist's extraordinary masterpiece. André Manguba makes celeb portraits using pasta and ketchup | Kami Stories on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Harlene Bautista makes brave confession about marriage & separation with Romnick Sarmenta

Harlene Bautista makes brave confession about marriage & separation with Romnick Sarmenta

Harlene Bautista makes brave confession about marriage & separation with Romnick Sarmenta
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel