Kylie Padilla, ibinahagi kung paano nabago ang kanyang pananaw patungkol sa mga kasambahay

Kylie Padilla, ibinahagi kung paano nabago ang kanyang pananaw patungkol sa mga kasambahay

- May "appreciation post" si Kylie Padilla para sa mga yaya ni baby Alas

- Iba ang pananaw niya noon sa pagkuha ng mag-aalaga ng kanyang anak

- Malapit na rin siya bumalik sa trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Idinaan ng celebrity mom na si Kylie Padilla, sa isang Instagram story ang kanyang "appreciation post" para sa mga yaya ni Alas Joaquin.

Nalaman ng KAMI na lubos ang pasasalamat ng aktres sa mga nakuha niyang yaya dahil mababait ang mga ito.

Aminado naman ang aktres na hindi siya gaanong open noon sa pagkuha ng mag-aalaga kay baby Alas. Kahit gusto ni Kylie na samahan siya ng kanyang ina na si Liezl Sicangco, para matulungan sa pag-aalaga, ay hindi naman ito posible dahil may mga kapatid pa siyang inaalagaan din ng ina sa ibang bansa.

Sinabi rin niya na malapit na siyang bumalik sa trabaho at masarap sa pakiramdam na alam niyang mapagkakatiwalaan ang nag-aalaga kay baby Alas.

"Appreciation post to my two wonderful helpers. I used to be judgemental about having help but i can't express how thankful i am to have them. Since my mom cannot be with me, as i would like because she is still taking care of my other siblings overseas. I am going back to work pretty soon, I need to know I have people I can trust. Thank you to you two," ang nakasulat sa Instagram story ni Kylie, ayon sa report ng Fashion Pulis.

Kylie Padilla, ibinahagi kung paano nabago ang kanyang pananaw patungkol sa mga kasambahay

Kylie Padilla, ibinahagi kung paano nabago ang kanyang pananaw patungkol sa mga kasambahay (Screenshot: Fashion Pulis)

Read some of the comments from netizens below:

"Hala. Ang laki na pala ng anak niya. Parang 1 year old na."

"Probably because you are treating them right also. Kudos to Kylie for this one. Ps. Ganda ng uniform parang pang office :)"

"Swertehan din ang pagkuha ng kasama sa bahay sa totoo lang. Swerte ka kapag may nakita kang may malasakit talaga at mapagkakatiwalaan. May iba talagang nag-aapply na kasambahay pero parang free rider lang. Uubusin lang laman ng ref niyo. Ganern."

"I love kylie..she's smart, beautiful and w/ a good heart."

Pormal na ipinagpaalam ni Aljur Abrenica kay Robin Padilla, ang intensyon niyang pakasalan si Kylie Padilla, noong February 18. Nang mag-guest si Aljur sa 'Tonight With Boy Abunda,' sinabi niya na pinaghahandaan na nila ang kanilang kasal.

Ang anak nina Aljur at Kylie na si Alas Joaquin, ay ipinanganak noong August 4, 2017.

Nagsimula mag-date ang dalawa noong 2011, pero naghiwalay sila ng 2014. Nagkabalikan naman sila noong September 2016 at na-engage noong January 2017.

Doctors had no idea what's wrong with Angelo. His mom is in pain watching her son suffer. This family needs money for appropriate medical checkup that would allow to set diagnosis. All together we can help! Find Marlyn Rosamiran's contact details in the end of the video.

I am bigger than my illness - Angelo - on KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Binuking ni ate! Kris Aquino, reveals Angel Locsin purchased a "dream home" with ex-BF Luis Manzano

Binuking ni ate! Kris Aquino, reveals Angel Locsin purchased a "dream home" with ex-BF Luis Manzano

Binuking ni ate! Kris Aquino, reveals Angel Locsin purchased a "dream home" with ex-BF Luis Manzano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel