KZ Tandingan, emosyonal na ikinuwento na halos sukuan na niya ang showbiz

KZ Tandingan, emosyonal na ikinuwento na halos sukuan na niya ang showbiz

- Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa, inamin ni KZ Tandingan na halos sukuan na niya ang showbiz

- Madalas pa lang masabihan si KZ na weird at di raw siya karapat-dapat sa industriya ng showbiz

- Dumating daw talaga sa puntong nai-text niya ang handler niya at sinabing ayaw na niya magperform

Sinong mag-aakala na muntik nang iwan ni KZ TAndingan ang showbiz?

Nalaman ng KAMI na sa contract signing niya sa ABS-CBN na naganap ngayong Mayo 10, emosyonal na binahagi ni KZ na halos umayaw na siya sa showbiz dahil sa di na raw siya masaya sa kanyang ginagawa.

"Ang daming beses na dumating sa ganoong point," panimula ng naging pambato ng Pilipinas sa Singer 2018.

"Parang kasi nga 'di ba, tawag nila sa akin as a performer is weird kasi hindi ako 'yung type ng singer na palagi nilang napapanood, hindi ako yung type na singer na palagi nilang naririnig. Ilang beses na sinasabihan ka na you don't belong here in this industry," pagbabahagi ni KZ.

"No matter how I tried to keep everything to myself, 'yung lahat nang pinagdaanan ko na paghihirap, tina-try ko na itago sa parents ko pero they always find out," ani KZ na nagpapasalamat sa kanyang pamilya dahil sila ang naging lakas niya.

"As in may mga moments ako na nagte-text ako sa handler ko na 'Ate, ayaw ko na, gusto ko na umuwi, ayaw ko na, hindi ko na kaya.' Tapos sila 'yung nagpu-push sa akin," dagdag pa niya.

Narito ang video na nakuha ng KAMI sa isa instagram.

Kamakailan ay naging laman ng mga balita si KZ dahil sa agaw eksena niyang performances sa Singer 2018.

Maging ang international artist na idolo ni KZ na si Jessie J ay napahanga ng talento ng Kapamilya performer.

Pumirma muli ng three-year contract si KZ sa ilalim ng ABS-CBN kung saan siya nanalo bilang champion ng X Factor Philippines noong 2012.

Sa ngayon, abala si KZ sa paghahanda sa unang major concert niya na gaganapin sa MOA arena sa Hunyo 22.

Be amazed with this young Pinoy artist's extraordinary masterpiece. André Manguba makes celeb portraits using pasta and ketchup | Kami Stories on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
7 Celebrity babies na may super K para maging the next generation big stars!

7 Celebrity babies na may super K para maging the next generation big stars!

7 Celebrity babies na may super K para maging the next generation big stars!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel