Sila nga! GirlTrends member na si Sammie Rimando umaming girlfriend siya ni Arjo Atayde

Sila nga! GirlTrends member na si Sammie Rimando umaming girlfriend siya ni Arjo Atayde

- Inamin ng GirlTrends member na si Sammie Rimando ang tunay na relasyon nila ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde

- Noong nakaraang taon pa pinagdudahan ang totoong estado ng kanilang relasyon ngunit hiniling nila ang 'privacy'

- Simpleng 'opo' lamang ang naisagot ni Sammie nang tanungin siya kung sila ba ni Arjo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hunyo ng taong 2017 nang unang nakitang magkasama at magka-hawak kamay pa ang GirlTrends member na si Sammie Rimando at Kapamilya star na si Arjo Atayde.

Ayon sa ABS-CBN, noon pa man nay natanong na sila tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon ngunit nanatiling tikom ang bibig ng dalawa.

Hiniling pa ni Arjo na irespeto nalang muna ang desisyon niya na di pag-amin sa kung si Sammie man o kung sino ang kanyang kasintahan.

Nalaman ng KAMI na sa isang programa ng DZMM Teleradyo kung saan nakapanayam ni Ariel Ureta si Sammie na siyang panauhin ng araw na iyon, walang ano-anong sinagot ng GirlTrends member kung sila nga ba ni Arjo.

"Opo... Opo Kami po" sagot ni Sammie sa tanong ni Ariel na nilinaw pa ng host kung "opo", sila nga ni Arjo.

Samantala, di na nagkaroon pa ng ibang diskusyon tungkol dito at minabuti na lamang ng host na si Ariel na pag-usapan ang karakter na gagampanan ni Sammie sa 'Ipaglaban Mo'.

Ngayong kumpirmado na ang relasyon ng dalawang Kapamilya stars na ito, di pa rin alam kung kailan at kung paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

Naging tahimik lamang sila sa kabila ng pagkakapares naman ni Arjo kay Sue sa natapos nang noontime serye ang Hanggang Saan kung saan knakatrabaho niya ang kanyang ina na si Sylvia Sanchez.

Minsan nang inamin ni Arjo na masaya sa kanyang 'love life' noong Setyembre ngunit di niya napangalanan kung sino ang ttinitibok ng puso niya noon pa man.

An evidence of true and unconditional love. This phenomenal Filipino love story will make you believe in magic on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Siya daw ang dapat sisihin! Kris Aquino matapang na inakong siya ang may sala sa diumano'y mababang kita ng 'I Love You, Hater'

Siya daw ang dapat sisihin! Kris Aquino matapang na inakong siya ang may sala sa diumano'y mababang kita ng 'I Love You, Hater'

Siya daw ang dapat sisihin! Kris Aquino matapang na inakong siya ang may sala sa diumano'y mababang kita ng 'I Love You, Hater'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel