Zsa Zsa Padilla, ibinunyag ang kwento tungkol sa dalawang engagement rings na kanyang suot

Zsa Zsa Padilla, ibinunyag ang kwento tungkol sa dalawang engagement rings na kanyang suot

- Kapansin-pansin ang dalawang engagement rings na suot ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla

- Kinuwento ni Zsa Zsa kumbakit dalawa ang engagement rings na bigay sa kanya ng kanyang fiance na si Conrad Onglao

- Nabanggit din ng Divine Diva ang paboritong bonding nila ng kanyang fiance'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa Tonight with Boy Abunda, isiniwalat ng nag-iisang Divine Diva ang kwento kumbakit dalawa ang engagement ring na kanyang suot.

Nalaman ng KAMI na ito ay bigay sa kanya ng kanyang fiance na si Conrad Onglao ngunit di nasiyahan sa una nitong naibigay sa Divine Diva.

"The first one he gave to me and I said oh! It's really very nice, ang he has very good taste actually so I really love it. But he said, parang di enough sa showbiz so binili niya ako ng mas malaki," kwento ni Zsa Zsa.

"Sabi ko ayan, ay kitang kita ko na" dagdag pa niya.

Bukod dito, nabanggit din ni Zsa Zsa ang mga bonding moments nila ni Conrad.

Unang-una raw dito ang travelling at ang huling bansang binisita nila ay ang Japan.

Di rin mawawala sa bonding nila ang pagkain ngunit sinasamahan din nila ito ng exercise na ayon sa aktres madalas silang nakakapaglakad lakad tuwing araw ng Linggo.

Ngunit nabanggit ng host ng show na si Boy Abunda na nabalitaan niya na ang isa sa paboritong bonding nina Zsa Zsa at Conrad ay ang pag-shower ng sabay.

Agad naman itong nadepensahan ng msinger actress at pinaliwanag kumbakit nila ito minsang nagawa.

Ayon kay Zsa Zsa, naopehan pala ang kanyang braso at halos di na niya ito maigalaw. Kinailangan niya ang tulong ni Conrad di lamang sa paliligo kundi pati na rin sa ilang bagay.

Narito ang video na nakuha ng KAMI mula sa YouTube.

Dagdag pa ni Zsa Zsa hindi pa nga raw siya nakapag-concert ng panahong iyon at di na rin niya inanunsyo ang nasabing operasyon.

Muling nagkabalikan sina Zsa Zsa at Architect Onglao matapos nilang maghiwalay noong 2016.

Inabot ng ilang buwan ang di nila pag-uusap kaya di rin naging mdali para sa Divine Diva na makipagbalikan at ayusin ang kanilang problema.

Sa ngayon, wala pa ring maibigay na petsa ng kasala ang dalawa, sa kadahilanang ayaw na raw nilang maulit ang 'kamalasan' noong una nilang engagement.

An evidence of true and unconditional love. This phenomenal Filipino love story will make you believe in magic on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ex-girlfriend ni Prince Harry na si Chelsy Davy, emosyonal sa huling phone call ng prinsipe bago siya ikasal

Ex-girlfriend ni Prince Harry na si Chelsy Davy, emosyonal sa huling phone call ng prinsipe bago siya ikasal

Ex-girlfriend ni Prince Harry na si Chelsy Davy, emosyonal sa huling phone call ng prinsipe bago siya ikasal
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel