Di lang pala sa Avengers! American Film na Pacific Rim kinunan din ang ilang eksena sa Pinas

Di lang pala sa Avengers! American Film na Pacific Rim kinunan din ang ilang eksena sa Pinas

- Namangha ang mga Pinoy fans ng Avengers nang makita nila ang Banaue Rice Terraces bilang isa sa mga lokasyon ng pelikulang The Avengers: Infinity War

- Hunyo ngnakaraang taon nang kinunan ng Indochina Productions ang ilang lokasyon dito sa Pilipinas para sa nasabing 'Avengers movie'

- Bukod sa Infinity War, may ilang hollywood film din pala na kinunan ang ilang eksena dito sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Namangha at laking gulat ng ilang mga Pinoy na nanood ng pinakabagong pelikula ng Marvel ang The Avengers: Infinity War nang makita ang Banaue, Ifugao bilang isa sa mga lokasyon ng nasabing pelikula.

Ito kasi ang nagsilbing lugar pahingahan ni Thanos na siyang 'main villain sa pelikula.

Napag-alaman ng KAMI na kinunan ang eksena sa Ekleng Village sa Banaue, Ifugao noong Hunyo ng nakaraang taon.

Ayon sa PEP na siyang nakapanayam si Nicholas Simon, ang executive producer ng Indochina Productions, dinayo ng kanyang team ang Ekleng at nakipagag-ugnayan kay Romy Licyayo, ang tour guide ng nasabing lugar.

Ayon kay Romy, hindi sinabi ng Indochino ang mismong proyekto na paggagamitan ng lokasyon basta ang alam niya na ito ay para sa isang malaking Hollywood project.

Malaki ang posibilidad na dayuhin ang Ekleng dahil sa malaking publicity na nagawa ng pelikula kaya naman pinaghahandaan na ito ng mga residente roon.

Samantala, di lang pala 'Avengers:Infinity War' ang nag-shooting ng ilang eksena sa ating bansa.

Nabanggit din ni Nicholas Simon na noong 2013 ay nasa Pilipinas din sila para naman sa pelikulang Pacific Rim na isang international film.

"The Opening Sequence of the first Pacific Rim has some shots of Manila, we serviced that" kwento ni Nicholas.

Isa pang proyekto ng Indochina Productions ang 'A Prayer before Dawn' na nagkaroon ng premiere sa Cannes Film festival noong May 2017.

"We shot the final 15 minutes of 'A Prayer before dawn' in Cebu in June 2017"

Ilang eksena ng drama movie na ito ay kinunan sa Cebu. Ito ay nakatakdang ipalabas sa US cinemas Agosto ngayon taon at mapapanood ito sa Netflix bago matapos ang taon.

Ang Indochina Productions ay naka-base sa Bangkok, Thailand na tumututok sa malalaking media projects dito sa Southeast Asia.

Nagsimula noong 2010, sila ngayon ang nakikipag-ugnayan sa mga bigating produksyon kasama ang mga batikang direktor na nananalo na ng malalaking awards.

Sila ay aktibo sa mga bansang Myanmar, Cambodia, Bangladesh, Laos, Singapore, Sri Lanka, Thailand at pati na rin ang Pilipinas.

Be amazed with this young Pinoy Artist's extraordinary masterpiece. André Manguba makes celeb portraits using pasta and ketchup | Kami Stories on KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dakilang panunulsol! Daniela, inutusan si Marga na kunin ang loob ni Cassie

Dakilang panunulsol! Daniela, inutusan si Marga na kunin ang loob ni Cassie

Dakilang panunulsol! Daniela, inutusan si Marga na kunin ang loob ni Cassie
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel