Kobe at Andre Paras, nagsalita na tungkol sa tunay nilang nararamdaman sa reconciliation nila kay Jackie Forster

Kobe at Andre Paras, nagsalita na tungkol sa tunay nilang nararamdaman sa reconciliation nila kay Jackie Forster

- Nagsalita na sa wakas ang magkapatid na sina Kobe at Andre Paras patungkol sa reconciliation nila kay Jackie Forster

- Sinabi rin nila ang tunay na dahilan kung bakit napagdesisyunan nila na makipagkita na sa ina

- Nilahad din nila ang nararamdaman matapos makita ang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa unang pagkakataon, nagsalita na ang magkapatid na Kobe at Andre Paras, patungkol sa usap-usapan na reconciliation nila sa kanilang ina na si Jackie Forster.

Nalaman ng KAMI na bumisita sila sa Kapuso network, para magbigay ng pahayag tungkol sa kanilang saloobin.

Ayon sa ulat ng GMA, nagpaunlak ang magkapatid ng isang courtesy call para kay GMA Network Chairman & CEO Atty. Felipe Gozon at President/COO Gilberto R. Duavit, Jr.

Sinimulan ni Kobe ang panayam sa paglalahad kung bakit sila nakapag-desisyon na makipag-ayos sa ina, matapos ang halos 12 taon.

"Ever since we were kids our dad (Benjie Paras) will always ask us if we want to see our mom. Andre and I made our decision not to just because you know we're kids palang eh. We didn't really know what forgiveness was so at least now we realized that we're grown and we've been through a lot na."

Inamin ni Kobe na hindi naging mabilis ang pag dating ng pagpapatawad sa kanilang ina, kaya bumilang ng maraming taon, pero sa kabila ng lahat, ay buo ang suporta ng ama nilang si Benjie Paras sa kanilang desisyon.

"It's time to forgive our mom and you know at least now we're all happy and forgiveness is not something you can force to anyone. Forgiveness takes time. There's a lot of people who think na they're talking bad about me,

"Andre, my dad and I our whole lives because like they're saying a dad is a bad person for not making us forgive our mom. At the same time, he's one of the greatest dads ever because he listened to us. He listened to what Andre and I had to say; not just with forgiving our mom but like in basketball and in school. He never forces to do anything. He's the type of dad who's just there for us to support us no matter what."

Sinabi rin ni Kobe, na masayang-masaya sila sa mga nangyayari. Naniniwala rin siya na blessing ito mula sa Dios.

"So I'm just glad na I'm 20 and Andre's 22, we're more mature and we've just decided na it makes sense to just forgive our mom because we lived the lives they have when they were young. Now that we're mature, we're happy na ito 'yung nangyayari. I'm just happy na this all happened in God's blessing."

Kobe at Andre Paras, nagsalita na tungkol sa tunay nilang nararamdaman sa reconciliation nila kay Jackie Forster

Kobe at Andre Paras, nagsalita na tungkol sa tunay nilang nararamdaman sa reconciliation nila kay Jackie Forster (Photo: GMA)

Sinundan naman ni Andre ang mga pahayag ng nakababatang kapatid, na buong showbiz career daw niya ay ito ang madalas na itanong sa kanya, kung kamusta na ang relasyon niya sa kanyang ina.

Masaya siya dahil ngayon ay unti-unti ng nagiging maayos ang lahat para sa kanila.

"Four years na ako dito, of course maraming nagtatanong sa akin always the first question eh. Kamusta na kayo ng nanay mo? I'd always say no comment or give me time and I'm thankful na you guys gave me time and wala naman kaming sinabi na we hate her, we dislike her.

"It's just that we needed time to heal and like what Kobe said, we're more mature now. It's our decision naman noong bata kami kasi you know. That was our parents' roles so they're there to respect our decision. I'm thankful now, I believe this is the right age, 20-22. Mature na po kami."

Nagpapasalamat din si Andre sa kanilang stepmom na si Lyxen Diomampo, sa pagmamahal na ipinamalas niya sa maraming taon at sa kanilang ama dahil sa walang sawa niyang pag-suporta sa kanila.

"I also wanna thank our stepmom, Lyxen. She was there to treat us like her own. And a good example is that it hurts lang there are a lot of negative comments about her. But if you guys see what we are right now we could've been problematic people.

"We could've been doing other things that are bad or negative. But we're raised right and I'm proud of that. I just want to thank my dad and stepmom for always being there for us, our stepmom for treating us like her own.

"I'm thankful for all the support that you guys have given us by being patient. There you have it, we're all happy and I hope you guys are happy as well. Kaya thank you so much for the patience, thank you again for the love and support."

Kinasal sina Jackie at Benjie noong taong 1994.

May dalawa silang anak, sina Andre at Kobe Paras.

Samantala, naghiwalay sina Jackie at Benjie noong 2001 at na-annul ang kanilang kasal noong 2003.

Kasal na ngayon si Benjie kay Lyxen Diomampo at si Jackie naman ay may sarili na ring pamilya.

Doctors had no idea what's wrong with Angelo. His mom is in pain watching her son suffer. This family needs money for appropriate medical checkup that would allow to set diagnosis. All together we can help! Find Marlyn Rosamiran's contact details in the end of the video.

I am bigger than my illness - Angelo - on KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ex-girlfriend ni Prince Harry na si Chelsy Davy, emosyonal sa huling phone call ng prinsipe bago siya ikasal

Ex-girlfriend ni Prince Harry na si Chelsy Davy, emosyonal sa huling phone call ng prinsipe bago siya ikasal

Ex-girlfriend ni Prince Harry na si Chelsy Davy, emosyonal sa huling phone call ng prinsipe bago siya ikasal
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel