Sagot ni Sarah Geronimo tungkol sa 'pagpapakasal' niya, umani ng batikos kay Mommy Divine

Sagot ni Sarah Geronimo tungkol sa 'pagpapakasal' niya, umani ng batikos kay Mommy Divine

-Di maiwasang madamay ni Mommy Divine Geronimo dahil sa sagot ni Sarah Geronimo nang sabihin ng isang fan na siya ay magpakasal na

- Pabiro man ang sagot ni Sarah, ngunit para sa ilang fans may mabigat na kahulugan ang sinabi ng singer actress

- Ang ilan pa sa mga netizens ay nagbibigay ng payo kay Sarah na matuto nang magdesisyon para sa kanyang sarili

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Noong May 6 sa Kupferberg Center for the Arts sa New York ang huling show ni Sarah Geronimo para sa This 15 Me Anniversary concert series niya sa US.

Dito nagkaroon naman ng bagong eksena ang Popstar Royalty dahil sa kanyang kontrobersyal na sagot sa isang manonood niya na sumigaw ng "Magpakasal ka na!"

Nalaman ng KAMI na narinig ito ni Sarah at agad niyang sinagot ito ng, "Huwag po kayong ganyan! Kausapin niyo po yung nanay ko. Huwag ganyan."

"Nagtatrabaho po ako, ma'am. Wait lang, ma'am. I'm working here. Don't distract me, ma'am. Because I'm distract-able!

"Asan na nga ba ako? Ma'am kasi sabi ko, huwag niyo ako idi-distract," dagdag pa ng Popstar royalty.

Dahil dito di maiwasan ng ilang mga netizen na magkomento dahil kahit pabiro man itong sinabi ni Sarah, may mabigat itong pakahulugan.

Narito ang ilang reaksyon ng mga netizens patungkol kay mommy Divine.

"Hanggang kailan ka pakikinabangan ang pamilya mo sarah.kawawang bata.takot magkamali."

"Mommy Divine, payagan niyo na ang AshMatt, nasa edad na po sila."

"di pa ba niya kaya magdecide on her own? Poor sarah, bakit kasi pumapayag siya na hawak siya sa leeg. Sige ka baka mainip si matteo iwan ka"

"Tama yan sarah kausapin muna nanay mo.kasi pag 40 kana payag na siya for sure"

"Di muna. Baka may manligaw pang prinsipe o sultan. Para todo na yaman namin."

"She needs to grow a backbone. Minsan masama din yung pinaasa mo na magulang at family mo sayo financially. Sarah di ka mamamatay pag sundin mo naman sarili mo geez you’re almost 30."

Narito ang video na nakuha ng KAMI sa Youtube.

Samantala, ilang netizens naman ang nagsasabi na tama lang at tama pa rin ang ginagawa ni Sarah dahil ito ay pagrespeto sa kanyang mga magulang.

Sa naturang show din binigyang linaw ni Sarah na tila nakuha na niya ang kasagutan sa una niyang naramdaman kung saan nasambit niya ang tungkol sa "emptiness" na kanyang naramdaman sa kabila ng kanyang kasikatan.

Balitang nakabalik na si Sarah sa bansa matapos ang ilang linggong pananatili sa Amerika para sa nasabing Anniversary concert series doon.

Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two? To All Single Moms Out There (Parenting Documentary) | Kami Stories on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Binuking ni ate! Kris Aquino, reveals Angel Locsin purchased a "dream home" with ex-BF Luis Manzano

Binuking ni ate! Kris Aquino, reveals Angel Locsin purchased a "dream home" with ex-BF Luis Manzano

Binuking ni ate! Kris Aquino, reveals Angel Locsin purchased a "dream home" with ex-BF Luis Manzano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel