Personalan na di umano ang pagiging magkaribal! Kyline Alcantara, inaagawan daw ng spotlight si Bianca Umali bilang prinsesa ng GMA!

Personalan na di umano ang pagiging magkaribal! Kyline Alcantara, inaagawan daw ng spotlight si Bianca Umali bilang prinsesa ng GMA!

- Nagiging totohanan na daw ang rivalry nina Kyline Alcantara at Bianca Umali, na inaagawan umano ng papel bilang prinsesa ng Kapuso Network

- Mariin naman itong itinggi ni Kyline at sinabing magkaibigan sila ni Bianca, at nagiging mas close pa

- Masaya si Kyline na effective siya bilang kontrabida dahil madaming netizens ang naiinis sa kaniya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nga lang ba sa kanilang palabas magkaribal sina Kyline Alcantara at Bianca Umali? Mainit na isyu ngayon ang pag-agaw umano nito sa katayuan ni Bianca bilang prinsesa ng Kapuso Network.

Itinanggi naman ni Kyline ang balita, at sinabing walang namumuong professional rivalry sa kanila ng co-star sa GMA-7 prime time series na 'Kambal Karibal'.

Paglilinaw niya, naging mas malapit daw silang magkaibigan ni Bianca dahil sa dalas nilang pagsasama sa set ng palabas. Natutuwa din daw ang aktres dahil mas matagal pa ang kanilang bonding sa muling na-extend ang pagwawakas sa ere.

Sa makatuwid, pinuri pa nga ni Kyline ang co-star at sinabing hanga siya dito.

""Masaya ako kasi si Bianca ay professional po talagang katrabaho, lalo na kapag may mga sabunutan o physical scenes po, pinag-uusapan talaga naming kung paano gagawin yun" kuwento ng dalaga.

“Di kasi kami gumagamit ng double, pero kung sobra ano na talaga yung scene, gumamit kami. Pero kung hindi, ayun, nakatayo lang dun yung double," dagdag pa niya.


Unang lead role ni Kyline ang show na Kambal Karibal. Maraming critics and nagbiay ng papuri sa kaniyang pag ganap bilang kontra-bida. Masaya din umano siya kapag nababash siya, dahil ibig sabihin daw nito ay effective ang kaniyang acting.

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula

Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula

Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel