'Wag nyo namang pangunahan!' Bea Binene at Alden Richards, may itinatagong relasyon daw ayon sa netizens!

'Wag nyo namang pangunahan!' Bea Binene at Alden Richards, may itinatagong relasyon daw ayon sa netizens!

- 
Mainit na spekulasyon ngayon sa social media ang itinatagong relasyon umano na namamagitan kay Bea Binene at Alden Richards

- Ito ay matapos makatanggap ng mga bulaklak ang dalaga at ipost ito sa kaniyang Instagram account

- Ilang netizens ang nag assume na si Alden ang mystery flower sender sa dalaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!


Mainit na spekulasyon ngayon sa social media ang itinatagong relasyon umano na namamagitan kay Bea Binene at Alden Richards.

Nagsimulang maghinala at mang-intriga ang ilang netizens ng magpost si Bea ng larawan ng mga natanggap na bulaklak sa kaniyang Instagram account. Walang nakalagay kung kanino ito galing, at hindi din naman nagbigay ang dalagang aktres ng iba pang detalye tungkol dito.

Nilagyan niya lamang ito ng caption na: "All you need to know You're the only one, alright alright'

Ilang netizens ang nagkomento rito na si Alden daw ang nagpadala ng bulaklak kay Bea dahil lihim na magkarelasyon diumano ang dalawa.

'Wag nyo namang pangunahan!' Bea Binene at Alden Richards, may itinatagong relasyon daw!

Screen capture from Bea Binene's Instagram account

Mariin namang itinanggi ni Bea ang chismis, at sinabing labas si Alden sa issue. Nakiusap din siya sa fans at bashers na huwag ng mandawit ng ibang pangalan, lalo nasa social media accounts niya.

“Wala pong kinalaman si Alden sa mga bulaklak. Wag nyo naman po sana bigyan ng ibang meaning ang mga posts," sabi ni Bea.

Sinabi din ng aktres na naiintindihan niya na may ibang fans na possessive sa kanilang idolo. Pero nakiusap siya na wag lagyan ng kahulugan ang mga maliliit na bagay.

“I actually understand that you are possessive with your idols but please, wag nyo naman pangunahan and bigyan ng kung anu-anong meaning na wala naman talaga. Malapit na magkaibigan si Bea at Alden.

“Sana maunawaan natin na may mga taong mas pipiliin na maging magkaibigan than anything else," pakiusap niya. "Sana maintindihan nyo na hindi porket magkasama sa photo or magkasama kumain, e may something na. I hope you all understand and just be happy because we are friends."

Dagdag pa ni Bea, isa si Alden sa mga pinakamalapit at mapagkakatiwalaan niyang kaibigan sa showbiz. “Mahirap humanap ng totoong kaibigan sa industriya and I am extremely grateful to have a few real friends na tried and tested, hindi man madami, pero totoo. I hope na ganun din ang isipin nyo for your own idols.”

Mariin man niyang itinanggi ang akusasyon, isang cryptic message naman ang pinost nito bilang pagtatapos sa kaniyang statement:

“If it’s meant to be, it will be.”

Matatandaang umingay ang posibilidad na may relasyon ang dalawa ng maging last dance sa debut ni Bea si Alden. Umingay ang spekulasyon dahil nakaugalian na ang huling sayaw ay para sa espesyal na lalaki sa buhay ng debutante.

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
Selfish daw! Daniel Matsunaga, binatikos ng netizens dahil sa post matapos makabundol

Selfish daw! Daniel Matsunaga, binatikos ng netizens dahil sa post matapos makabundol

Selfish daw! Daniel Matsunaga, binatikos ng netizens dahil sa post matapos makabundol
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel