Ynez Veneracion, may mga rebelasyon ukol sa tatay ng kaniyang anak

Ynez Veneracion, may mga rebelasyon ukol sa tatay ng kaniyang anak

- Tinanong si Ynez Veneracion kung sino ang ama ng kaniyang anak na babae

- Ayon sa aktres, ayaw niyang direktang pangalanan ito dahil sumusuntento naman ito sa kanila

- Inamin na noon ni Maguindanao Governor Mangudadatu na may anak sila ni Ynez

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nag-bigay ng ilang rebelasyon si Ynez Veneracion ukol sa ama ng kaniyang anim na taong gulang na anak na babae.

Napag-alaman ng KAMI na responsible ang ama ng anak ni Ynez ngunit ayaw niya itong direktang pangalanan.

“Huwag na muna hanggang nagbibigay pa ng sustento. Huwag muna ngayon. Ano naman siya, he’s been a good father naman to my daughter.

“Gusto niya dati magpakasal kami, ayoko. Ayoko lang talaga. Kasi mahirap. Mahirap, e.

"Yung hindi nga Muslim, mahirap na, di ba? Pag pumayag ako, siguro pang-apat ako,” sinabi ni Ynez, ayon sa PEP.ph.

Nireport din ng PEP.ph na inamin na noon ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu sa GMA News na mayroon siyang anak kay Ynez.

Dagdag pa ni Ynez, namana ng kaniyang anak ang pagiging matapang ng ama.

Si Mangudadatu ay nakaranas ng matinding trahedya noong 2009 na tinaguriang Maguindanao Massacre.

Umabot sa 54 na family members, lawyers, at journalists na pinadala ni Mangudadatu upang mag file ng candidacy niya bilang governor ang pinatay sa Maguindanao ng hinihinalang mga tauhan ng kalaban niyang si Andal Ampatuan Jr.

Hiling ng KAMI na mapabuti ang anak ni Ynez at patuloy siyang suportahan ng kaniyang ama!

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" To All Single Moms Out There (Parenting Documentary) – on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mariel Rodriguez admits going through depression after giving birth: “It wasn’t what I thought it would be.”

Mariel Rodriguez admits going through depression after giving birth: “It wasn’t what I thought it would be.”

Mariel Rodriguez admits going through depression after giving birth: “It wasn’t what I thought it would be.”
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel