Jennica Uytingco pinakita sa followers ang lumalaking mga braso at tiyan dala ng pagbubuntis

Jennica Uytingco pinakita sa followers ang lumalaking mga braso at tiyan dala ng pagbubuntis

- Isang proud mommy ngayon si Jennica Uytingco, lalo na't buntis siya sa pangalawang baby niya

- Shinare ng ina ang picture niya na nagpapapedicure kung saan kitang-kita ang lumalaking mga braso niya

- Sabi nga niya temporary lang daw ito at nagbigay pa ng advice sa mga preggy momshies kung paano mabilis ma shed-off ang weight pagkatapos manganak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Malapit nang manganak si Jennica Garcia Uytingco at kanyang nararamdaman na ang bigat na dala ng third trimester.

Kitang-kita sa shinare na picture ni Jennica na lumalaki na nang husto ang mga braso at tiyan niya.

Pero imbes na magreklamo, nagbigay ang anak ni Jean Garcia ng napakagandang mensahe sa kapwa mommies na buntis din sa ngayon at namumroblema sa kani-kanilang mga weight.

Nakita ng KAMI na nagpapapedicure siya at nagbabasa ng libro, at naglagay ng mahabang caption sa picture niya.

"Para sa mga kapwa ko buntis na nalulungkot dahil sa kanilang 'new and improved' size, 'wag na kayo malungkot," sabi ng aktres. "Hindi kayo nag iisa! Malaki rin ako,"

Sabi ni Jennica eh overwieght na siya ng 10 kg pero huwag daw mabahala dahil pag nag-breastfeed ka pagkatapos ay mas mabilis na mag shed off ka ng pregnancy weight.

Dinescribe pa ng ina kung ano pa ang ibang benefits na maibibigay ng pagpapasuso sa baby. Eto ang buong sabi niya:

"Para sa mga kapwa ko buntis na nalulungkot dahil sa kanilang "new and improved" size. Hehe! Wag na kayo malungkot. Ito ako habang nasa @poshnailsbanawe, side view para makita ninyo ang naglalakihan kong braso at tyan na handang handa ng manganak sa susunod na buwan (June). Hindi kayo nag iisa! Malaki rin ako. 10 kilograms overweight pa nga! Hindi bali, mag breastfeed naman tayo. Makakapag bigay na tayo ng masustansyang gatas, mababawasan pa ang ating timbang dahil malakas mag burn ng calories ang pagpapasuso mga Inay. Maliban dito, ang sarili nating gatas ay may kakayahang makapagpagaling ng ubo, sipon at lagnat ng ating mga anak. Totoo yan! Kaya nga ako kahit na minsan ayoko na sana na nag breastfeed sa akin si Mori dahil mag tatlong gulang na siya at bigat na bigat na ako sa sarili ko, nung nagka-sipon siya recently, ang unang lumabas sa bibig ko ay, "buti na lang dumedede pa ang anak ko". Bakit kamo? Dalawang araw lang, tanggal ang sipon! Ibang klase rin talaga ang breastmilk. Sa mga ganitong pagkakataon ko talaga na-appreciate ang pagpapasuso. O siya, wag ka na malungkot. Hindi tayo habang buhay ganito kalaki. Lalabas rin ang ating dinadalang biyaya ng Panginoon. God bless you kapwa ko buntis. YOU GOT THIS!"

Siyempre, maraming mommies ang naka relate talaga. Pinost ng Smart Parenting ang mga inspiring comments nila.

Jennica Uytingco pinakita sa followers ang lumalaking mga braso at tiyan dala ng pagbubuntis

Jennica Uytingco pinakita sa followers ang lumalaking mga braso at tiyan dala ng pagbubuntis (Photo: IG via SmartParenting)

Si Jennica Garcia Uytingco ay isang Filipina actress na nag lie low from showbiz nang magkaroon ng pamilya.

Ang husband niya ay si Alwyn Uytingco, isa ring aktor.

Mayroon na silang isang anak, si Mori at madadagdagan pa ito ng isa sa nalalapit na buwan.

Who is the woman beside Maja Salvador? on Kami YouTube channel This video shows where the amazing Maja Salvador got her great looks and bod!

Source: Kami.com.ph

Related news
Text lang pala katapat nila! Sila ang mga celebs na binreak ng mga jowa sa pamamagitan ng text message

KAMI.com.ph
Mailfire view pixel