Balik Pinas na! Sarah Geronimo, handa na raw ang kanyang sagot sa kontrobersiyal na tanong sa Las Vegas concert

Balik Pinas na! Sarah Geronimo, handa na raw ang kanyang sagot sa kontrobersiyal na tanong sa Las Vegas concert

- Sa huling show ni Sarah Geronimo sa US tour ng This 15 Me Anniversary concert, nasagot na niya ang tanong kumbakit siya nakakaramdam ng 'emptiness' sa kabila ng tagumpay

- Nilinaw ng Pop star Royalty na hindi anumang materyal na bagay at maging 'love life' ang totoong makakapagpasaya sa isang tao

- Balitang nagbalik na sa bansa si Sarah noong Martes, Mayo 8

Sa kabila ng kontobersiyal na Las Vegas concert ni Sarah Geronimo kung saan siya ay nagpakita ng 'emotional breakdown', pinagpatuloy pa rin niya ang Anniversary concert tour niya sa US.

Nalaman ng KAMI na sa Chicago, ang ika-limang concert ni Sarah sa tour, nasabi ng singer actress na nag-'panic' lamang siya sa Las Vegas sa matinding pagod na naramdaman.

New york ang huling destinasyon ng kanyang This 15 Me concert at dito naipaliwanag ng isang masayang Sarah ang mga 'sagot' sa kanyang mga katanungan sa kanyang Las Vegas show.

"Hindi love life, hindi success sa trabaho, hindi pera ang makakapagbuo sa 'yo, kundi relasyon mo talaga sa Panginoong Diyos,"

"Aminado po ako, minsan, madalas, nalilimutan ko po na talagang, 'Lord, ikaw lang ang makakapagpuno sa emptiness na nararamdaman ko sa puso ko," paliwanag ni Sarah na ayon sa ABS-CBN news ay mula sa video ng isa sa kanyang fans na si Regina Anderson.

Narito ang video na nakuha ng KAMI sa youtube.

Matatandaan din na minsan nang inamin ng Popstar Royalty na minsan na siyang dumaan sa 'mid-life crisis' noong 2013 kung saan inamin niya na dumating sa punto na kinuwestyon niya ang diyos kung siya ay nasa tamang landas pa.

"May mga panahon po na napapatanong ako, 'Ito po ba talaga ang purpose ko, na magbihis ng ganito, magga-ganun-ganun?" habang tinuturo niya ang kanyang suot at nagpakita ng kaunting 'dance moves.'

"Ito 'yung talentong binigay sa akin ng Diyos. Sabi nga nila, kung meron man akong hinahanap na. . . Lord, ang dami kong pagkukulang, ang dami kong gustong gawin. Pero sabi nga, 'Use what I gave you. You lack nothing." Pagtatapos ng aktres.

Sa kanyang show sa Las Vegas noong Abril 29, di mapigilan ni Sarah na totoong saloobin dala ng pagod at walang tulog nang araw na iyon. May naganap pang walkout sa concert na iyon ngunit ayon sa producer, tinapos naman pala ni Sarah ang palabas.

Ilang oras matapos ang kaganapang ito, nagbahagi ng suporta ang ilan sa mga kasama ni Sarah sa showbiz at sinasabing walang masama sa ginawa ni Sarah. Ang iba, umamin pa na nakaramdam din sila ng kapareho nito.

Isa si Matteo Guidicelli, boyfriend ni Sarah sa loob ng 4 na taon ay nagbigay suporta sa singer aktres sa panahong ito.

This video is to pay tribute to Aubrey and to raise awareness about the depression. Depression has no face | Kami Stories on KAMI YouTube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
"Hindi Ko Kayang Iwan Ka," Mike Tan, magiging Tatay na!

"Hindi Ko Kayang Iwan Ka," Mike Tan, magiging Tatay na!

"Hindi Ko Kayang Iwan Ka," Mike Tan, magiging Tatay na!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel