Umamin din siya! Ryza Cenon, pagpinta ang naging paraan upang malabanan niya ang depresyon

Umamin din siya! Ryza Cenon, pagpinta ang naging paraan upang malabanan niya ang depresyon

- Inamin ng pinakabagong Kapamilya actress na si Ryza Cenon na minsang dumaan din siya sa depresyon

- Pagpipinta ang naging paraan niya upang mailabas ang totoong saloobin

- Isa sa di niya malilimutang ganapan dala ng depresyon ay ang kawalan ng taong pwede niyang lapitan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinong mag-aakala na ang di magandang karanasan ang magiging dahilan upang matuklasan ang isang napakagandang talento ni Ryza Cenon.

Sa panayam sa pinakabagong Kapamilya aktres, inamin niya na isa rin siya sa mga artistang dumaan sa depresyon.

Ayon sa ABS-CBN News, nailabas niya ang totoong saloobin at ang kanyang pinagdadaanan sa pamamagitan ng pagpipinta.

"Nag-start ako (mag-paint) 2015 lang. Parang na-discover ko na doon ko puwedeng ilabas 'yung nararamdaman ko," panimula ni Ryza sa kanyang karanasan.

Nalaman ng KAMI bagaman isang talento ang natuklasan dala ng depresyon, di maitatago ang mensahe ng kanyang mga nilikhang obra.

"May story (ang paintings) pero lahat 'yon, puro dark side ko, like depression," dagdag ni Ryza.

Inamin ni Ryza na talagang napabayaan niya ang kanyang sarili dala ng depresyon. Humantong siya sa puntong wala na siyang ganang gumawa ng bagay-bagay para sa kanyang sarili.

"Parang ayaw kong makipag-usap, hindi ako naliligo, hindi ako kumakain. As in ayaw ko ng ilaw, madilim," kwento ni Ryza.

Madami raw kasing di magandang kaganapan sa kanyang buhay noong 2015 kasama na rito ang kawalan niya ng proyekto sa dating istasyon.

"Sunod-sunod, nagpatong-patong lahat. As in wala akong ginagawa, wala rin akong work noon. .. Siyempre mag-isa lang ako, wala naman akong puwedeng takbuhan sa financial. So ako lang lahat. Lahat 'yon iniisip ko,"binahagi pa ng aktres.

Ngunit, ang pinakamabigat na dahilan kumpaano niya napaglabanan ang depresyon ay ang matindi niyang pananampalataya sa Diyos.

"Na-realize ko rin 'yon noong mga dulo na. Parang nasa room na ako kinakausap ko si God. Dumiretso na ako sa Kanya," ani Ryza.

Samantala, agad namang napasabak sa teleserye si Ryza sa paglipat niya sa ABS-CBN.

Abala siya ngayon sa kanyang karakter sa 'FPJ's Ang Probinsyano' na pinagbibidahan ni Coco Martin at aabangan din siya sa isang serye na may pamagat na 'General's daughter' kung saan makakasam niya si Angel Locsin.

Naikwento rin ni Ryza na kaabang-abang ang role niya sa General's Daughter sapagkat kakaiba ito sa lahat ng kanyang karakter.

This video is to pay tribute to Aubrey and to raise awareness about the depression. Depression has no face | Kami Stories on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Sam Milby gives practical advice to men who cheat on their partners in real life

Sam Milby gives practical advice to men who cheat on their partners in real life

Sam Milby gives practical advice to men who cheat on their partners in real life
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel