Matteo Guidicelli, isiniwalat na ang 'future plans' daw nila ni Sarah Geronimo sakaling iwan ang showbiz

Matteo Guidicelli, isiniwalat na ang 'future plans' daw nila ni Sarah Geronimo sakaling iwan ang showbiz

- Diretsahang sinagot ni Matteo Guidicelli ang tanong kung handa ba siya na suportahan si Sarah sakaling iwan nito ang showbiz

- Inamin din ni Matteo na hindi parin nila napag-uusapan ang kasal dahil marami pa silang ibang prioridad

- Di nahiyang sabihin ni Matteo na di pa siya gaanong 'financially independent' ngunit ang kagandahan daw nito at nalalapit naman naman na siya na maging ganoon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bago pa man ang kontrobersyal na concert ni Sarah Geronimo sa Las Vegas nakapanayam ng philstar si Matteo Guidicelli tungkol sa estado ng relasyon niya kay Sarah Geronimo.

Nalaman ng KAMI na natanong pala ang Kapamilya star kung handa ba siyag suportahan ang kasintahan na si Sarah sakaling tuluyan na itong bumitaw sa showbiz.

“Syempre, we wanna give, when we get married to the person we really want to be, we wanna give them everything, ‘di ba? As the man, we want to give them a home, everything, and really work hard for it. And you can’t say ‘Stop, I take care of it.’ It’s a process, kung baga,” paliwanag ng Bagani star.

“Kahit sino naman, pwede naman, ‘di ba?,” he said when asked if he can say he is stable enough to raise a family with the pop star.

“But I still have lots of goals, a lot of dreams. I still have a lot of personal goals I want to achieve. We’re still moving forward,” sabi ng aktor nang tanungin kung bakit wala pa silang planong pakasal ni Sarah.

Naikwento rin ni Matteo na mula nang pumasok siya sa showbiz noong siya'y 16 taong gulang pa lamang, siya naman na talaga ang nagbabayd ng kanyang mga gastusin.

Di pa man niya masabi na 'financially independent' na siya, ngunit nalalapit naman na raw na mangyari ito.

“I hope so. I’m getting there. I’m 27 years old and I can say that I’ve saved and invested my money properly,” ani Matteo.

Ngunit pinaliwanag niya na patuloy pa rin ang paghahanda niya para sa sakaling kinabukasan niya kay Sarah sa pamamagitan ng pamumuhunan ng tama.

“You can’t say that you’re born with the silver spoon. You really have to work hard. Every day, they fill up my schedule so I can work hard for the future,” pagbibigay diin niya.

Sinabi rin niya na wala naman daw pressure sa kanila ni Sarah pagdating sa kani-kanilang karera sa buhay at lalo na sa pera.

He feels no pressure between him and Sarah when it comes to fame or money.

“I’m trying to grow my own career on myself. I’m not depending on anybody else. So, you have to take the steps slowly but surely.”

Nai-kwento rin ni Matteo na pinapahalagahan niya ang mga sakripisyo ni Sarah dahil ipinaglaban niya talaga ang kanilang relasyon.

“Definitely she does. We do for each other.”

Kinumpirma ni Sarah ang relasyon nila ni Matteo taong 2014 pa.

Kamakailan, kung saan di napigilan ni Sarah ang totoong emosyon niya sa concert sa Las Vegas, nagpakita agad ng suporta si Matteo sa kasintahan.

Sa ngayon, ay tuloy tuloy parin ang concert series ng singer actress sa ilang bahagi ng Amerika.

An evidence of true and unconditional love. This phenomenal Filipino love story will make you believe in magic on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Dream come true! Julia Barretto shares a glimpse of her almost finished mansion

Dream come true! Julia Barretto shares a glimpse of her almost finished mansion

Dream come true! Julia Barretto shares a glimpse of her almost finished mansion
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel