Laughtrip talaga! Vice Ganda, mali ang napasukang CR sa Canada

Laughtrip talaga! Vice Ganda, mali ang napasukang CR sa Canada

- Nasa tour ngayon si Vice Ganda para sa 'Pusuan mo si Vice Ganda' sa US at Canada

- Lumabas ang video ni Vice kung saan napamali siya ng pasok sa isang palikuran sa Canada

- Umabot na sa mahigit 200k views ang video sa loob lamang ng isang araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gaya ng inaaasahan naging matagumpay ang unang leg ng concert tour ng nag-iisang unkabogable na si Vice Ganda sa Canada.

Noong Mayo 6, nasa Queen Elizabeth Theater sa Vancouver si Vice bilang bahagi ng kanyang 'Pusuan mo si Vice' international concert series.

Syempre, di mawawala ang mga kulitan at kalokohan ng 'It's Showtime' host maging sa ibang bansa.

Ayon sa Pilipino Scoop, nagbahagi si Vice ng pinagsasamang video clip niya mula sa tour.

Nalaman ng KAMI na sa unang bahagi ng Youtube video nito, makikitang nakikipagkulitan pa si Vice kay hashtag Ronnie Alonte na isa sa mga guests niya sa concert.

Ngunit, ang pinaka-nanakatawang bahagi ng video ay nang di sinasadyang pumasok ng pambabaeng palikuran (comfort room) si Vice na naka-costume pa.

"Ay, mali ako ng pinasok!" ang tanging nasabi ni Vice habang tumatawa.

Pati ang mga kasama niyang personal assistants ay tawang tawa sa ginawa ni Vice.

Narito ang video na nakuha ng KAMI mula sa YouTube.

Umabot na sa mahigit 200,000 views ang video na ito sa loob lamang ng 1 araw.

Samantala, ang-viral din ang video ng isang cute na batang lalake na inalok si Vice ng kanyang kendi habang sila ay nasa flight papuntang Canada.

Natuwa naman si Vice na kumuha ng kendi at nagpasalamat sa cute na bata.

Bukod sa Canada, bibisitahin din ni Vice ang Amerika ngayong Mayo.

Be amazed with this young Pinoy artist's extraordinary masterpiece. André Manguba makes celeb portraits using pasta and ketchup | Kami Stories on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Jackie Chan, may inamin tungkol sa nagawang pang-aabuso at pangangaliwa sa asawa

Jackie Chan, may inamin tungkol sa nagawang pang-aabuso at pangangaliwa sa asawa

Jackie Chan, may inamin tungkol sa nagawang pang-aabuso at pangangaliwa sa asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel