Bigyan ng jacket! Willie Revillame, sasabak na daw sa mundo ng politika

Bigyan ng jacket! Willie Revillame, sasabak na daw sa mundo ng politika

- Usap-usapan ngayon ang posibleng pagtakbo ni Willie Revillame bilang alkalde ng Quezon City

- Ayon sa mga balita, tatapatan umano nito ang incumbent Vice Mayor ng QC na si Joy Belmonte

- Kaalyado umano sa politika ni Willie si Congressman Winnie Castelo, na nakabonding niya nitong mga nakaraang araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maingay na usap usapan ngayon ang posibleng pagsabak ni Willie Revillame sa politika. Matapos ang taun-taon na pangungumbinsi sa kaniya ng kaniyang mga taga suporta sa show niya na 'Wowowin', tatakbo na nga ba si Kuya Wil sa Quezon City.

Willie Revillame, kinakatakutan ng mga politiko sa Quezon City?

Screen capture from Youtube

Ayon sa mga balita, kakalabanin umano ng game show host ang incumbent Vice Mayor ng siyudad na si Joy Belmonte sa pagtakbo bilang mayor sa susunod na eleksyon. Malaki din daw ang chance na makalaban din nila si Cong. Bingbong Crisologo.

Mukhang kaalyado ni Willie si Congressman Winnie Castelo. Kamaka­ailan, ginamit ang helicopter ng ‘Wowowin’ host. Isinama ni Willie si Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo patungo sa Payatas. Naghanap sila ng lupa para sa plano niyang pabahay sa mga mahihirap. Sakop ni Castelo ang nasabing lugar.

Pagkatapos nito, lumipad ang dalawa patungong Tagaytay kung saan ipinasyal ni Revillame sa kanyang hotel at bahay. Ano kaya ang pinag-usapan ng dalawa? Ano kaya ang plano nila?

Sabi ng ilang kritiko, malakas si Willie sa Quezon City, kung saan marami siyang natutulungang mahihirap dahil sa kaniyang show. Dahil dito, malaki ang kaniyang chance na manalo.

Sa ngayon, nagdadalawang isip pa din daw ng tv host kung tatakbo siya o hindi. Humihingi na raw ito ng advise sa mga kaibigan niyang polikito.

Dahil sa kaniyang mga show na may layuning tumulong sa mga mahihirap, lalo na sa mga lolo at lola, malakas na kandidato si Willie sa buong Quezon City. Madami na din ang nag uudyok sa kaniyang tumakbo sa politika.

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
Mariel Rodriguez admits going through depression after giving birth: “It wasn’t what I thought it would be.”

Mariel Rodriguez admits going through depression after giving birth: “It wasn’t what I thought it would be.”

Mariel Rodriguez admits going through depression after giving birth: “It wasn’t what I thought it would be.”
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel