Ano raw? Divine Lee isiniwalat ang kwento kumbakit 'Basquiat' ang ipinangalan sa anak

Ano raw? Divine Lee isiniwalat ang kwento kumbakit 'Basquiat' ang ipinangalan sa anak

- 'Basquiat Delfin' ang ipinangalan ni Divine Lee sa anak nila ni Blake Go

- Marami ang nagtaka kumbakit kakaiba ang pinangalan nito sa anak kaya naman sinalaysay niya ang rason dito

- Agaw eksena ang panganganak ni Divine dahil siya ay naka-full make-up

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Noong Mayo 5, pinanganak ni Divine Lee ang babay nila ni Blake Go na si baby Basquiat Delfin sa Chong Hua Hospital ng Cebu City.

Tila kakaiba ang pinangalan nila sa kanilang baby boy kaya naman umani ito ng tanong kumbakit iyon ang kanilang napili.

Sa Instagram ni BAz Go na ginawa ng kanyang excited na si Mommy Divine, binahagi niya ang unang larawan ng kanyang baby boy.

Dito sinulat din niya na 'Baz' pala ang palayaw ng baby niya mula sa tunay na pangalan na Basquiat.

Nalaman ng KAMI sa isa muling post ni Divine ang tila nobela niyang rason kung saan niya nakuha ang kakaibang pangalan ng kanyang baby Baz.

"Hi guys! How’s everyone doing?

"I’m Basquiat Delfin L. Go—Baz for short.

"Sorry it took some time for my big reveal. It was getting cramped up there, and Mom had to undergo CS coz I was a bit shy to go out on my own.

"[Parents] named me after Basquiat (the artist) because Mom’s a big art fan and Dad wanted the nickname 'Baz.'

"But I think Mom secretly wanted Basquiat because the artist dated Madonna (You know she’s the biggest Madonna fan, right? And they dated in 1982, the year of birth of both Daddy and Mommy)."

Ayon sa pep, ang mga kaibigan ni Divine na sina Rajo Laurel at Nix Alanon ang tumulong kay Divine para maisip ang pangalan na ito.

Ang isa pang pangalan ni Baz na 'Delfin' ay hango sa lolo niya, ang tatay ni Divine.

"My second name is from my Grandpops. They want me to take after my namesake, my Grandpoppy, who is known to be kind, generous and strong-willed.

"Mom’s been praying the novena nightly that I may grow up to be healthy and happy, and take after my Dad’s temperament and Mom’s grit (hopefully not the other way around, haha!)

"Dad’s been so excited to play golf with me, and Mom has already prepared my golf outfits.

"Heard that I have some blended friends and family waiting for my arrival!

"Can’t wait to meet you all!

"Much love from Baz, your #LEEttleGO #BazGo." pagtatapos ng post ni Divine ayon sa pep.

Samantala, naging agaw eksena naman ang mga larawan ni Divine bago manganak.

Di gaya ng iba, pinaghandaan talaga ni Divine ang araw na ito sapagkat bago siya isalang sa C-section, nagpa-make up pa siya ng todo at nakaayos din ang buhok.

Nakuha pang magbiro ni Divine na mahihiya raw ang Santa Cruzan sa ayos niya.

Kinasal sina Divine at Blake noong Agosto ng nakaraang taon.

Imbis na tradisyonal na puting wedding gown ang isuot ni Divine, Gold ang napili niyang kulay para sa mahalagang araw na iyon.

Ilan sa mga personalidad sa showbiz na dumalo ay sina Korina Sanchez, Vice Ganda, Karylle, Matteo Guidicelli, Andi Eigenmann, Tim Yap, Iza Calzado, Tessa Prieto-Valdez and Lucy Torres-Gomez.

Congratulations Divine and Blake and Welcome to the world baby Baz from KAMI.

An evidence of true and unconditional love. This phenomenal Filipino love story will make you believe in magic on KAMI YouTube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Happy cuties! 11 Celebrity babies na happiness ang peg sa mga pictures

Happy cuties! 11 Celebrity babies na happiness ang peg sa mga pictures

Happy cuties! 11 Celebrity babies na happiness ang peg sa mga pictures
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel