Ang mahal naman! Sandara Park, ginulat ang maraming netizens sa presyo ng kanyang plastic bag

Ang mahal naman! Sandara Park, ginulat ang maraming netizens sa presyo ng kanyang plastic bag

- Si Sandara Park ay spotted na may dalang isang plastic bag na talaga namang nakakalula ang presyo

- Gawa ito ng isang sikat na French luxury brand

- Nag-react ang maraming netizens sa presyo ng bag niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Spotted si Sandara Park kamakailan lang sa Singapore at meron siyang agaw-pansin na bag.

Nalaman ng KAMI na sobrang mahal pala ng dala-dala niyang plastic transparent bag at mula ito sa sikat na French luxury brand.

Ayon sa ulat ng PUSH, ang bag ni Sandara ay mula sa Spring 2018 Collection ng Celine.

Ang transparent plastic bag na ito ay merong brand logo sa harap at may warning na nakasulat sa 4 na languages, "To avoid danger as suffocation keep away this bag from babies and children."

Napag-alaman din sa report, na base sa website ng Teen Vogue, ito ay nagkakahalaga ng USD $590 (roughly P30,600).

Marami talaga ang nagulat sa presyo ng kanyang bag. Pero bilib naman sila na kahit simpleng bag lang ay kayang-kaya dalin ni Sandara.

Read some of the comments from netizens below:

"ang taray ng bagelya mo ahh"

"expensive bag yan nd lng plastic... c dara pa"

"transparent n bag peru mahal yan..."

"Pag ako nagsuot nyang bag na yan. Mukha akong basurera hahahahahaha"

"30k ang price sa peso omg"

"Omg! Grabe That plastic bag carried by Dara costs $590 or PHP 29,500.00."

"Ang mahal naman pala ng plastic bag na yan unnie"

Si Sandara Park ay nakilala noong sumali siya sa isang reality-based talent show ng ABS-CBN, Star Circle Quest noong 2004.

Noong 2009, siya ay nag debut sa South Korea bilang member ng K-pop group na 2NE1.

Doctors had no idea what's wrong with Angelo. His mom is in pain watching her son suffer. This family needs money for appropriate medical checkup that would allow to set diagnosis. All together we can help! Find Marlyn Rosamiran's contact details in the end of the video.

I am bigger than my illness - Angelo - on KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula

Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula

Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel