Alex Gonzaga, nakaramdam daw ng selos sa ex-gf ni Kean Cipriano na si Arci Muñoz

Alex Gonzaga, nakaramdam daw ng selos sa ex-gf ni Kean Cipriano na si Arci Muñoz

- Sa episode ng 'I can see your Voice', nagkaroon ng di inaasahang rebelasyon si Kean Cipriano tungkol sa naging relasyon nila ni Arci Muñoz

- Pati ang isa pang ex-girlfriend ni Kean na si Alex Gonzaga na parte rin ng nasabing show ay nagsabi ng trivia tungkol sa rockstar actress

- Nagulat maski ang lahat pati na rin ang mga kapwa "sing-vestigators" nina Kean at sa mga rebelasyon sa nabanggit na episode

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa nakaraang episode ng 'I can see your voice' nagkaroon ng mga di inaasahang rebelasyon tungkol sa guest nilang si Arci Muñoz.

Nalaman ng KAMI na noong nagkmento si Kean Cipriano na isa sa mga sing-vestigators ay tinawag niyang "Mona" si Arci.

Ito ay kinagulat ni Alex Gonzaga na isa ring sing-vestigator ng nasabing palabas.

"Monaaaa? Arci kilala namin..." ani Alex.

Dumepensa naman ang rockstar actress na si Arci at sinabing kahit ang host ng show na si Luis Manzano ay 'Mona' ang tawag sa kanya.

Sumagot agad ang palabirong si Luis at sinabing, "Pero di naman tayo nagmahalan..."

Ngunit pinagpatuloy parin ni Kean ang komento niya tungkol sa see-cret songer.

Di nasiyahan si Luis at pilit na tinanong naman si Alex kung nagselos pa ito na tinawag ni Kean si Arci na Mona dahil una siyang nagbigay reaksyon.

narito ang video na nakuha ng KAMI sa youtube ng I can see your voice ph.

"Walaaaa" pasigaw at pabirong sagot naman ni Alex na ex-girlfriend pala ni Kean.

Dito pinaliwanag ni Alex na kaya kilala niya bilang 'Mona' si Arci ay dahil naging kaklase niya ito nung 2nd year high school pa lang sila.

Kaya nagtataka si Alex kung paano nalaman ni Kean na 'Ramona' ang totoong pangalan ni Arci.

"Ano siyempre..." ani Arci at biglang sinambit ni Kean na, "Syempre, ex ko siya e!."

Taong 2009 nang naging mag-boyfriend at girlfriend sina Arci at Kean.

Sa isang panayam noon kay Arci na halos nagsisimula pa lamang noon sa showbiz, nagkaroon pa sila ng problema ni Kean dahil sa isyu na 'tinanggi' niya ito.

Nagkasundo agad noon ang dalawa dahil pareho silang nagbabanda.

Be amazed with this young Pinoy artist's extraordinary masterpiece. André Manguba makes celeb portraits using pasta and ketchup | Kami Stories on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Daniel Matsunaga, mariing itinanggi na kamukha ng present girlfriend niya na si Karolina Pisarek si Erich Gonzales

Daniel Matsunaga, mariing itinanggi na kamukha ng present girlfriend niya na si Karolina Pisarek si Erich Gonzales

Daniel Matsunaga, mariing itinanggi na kamukha ng present girlfriend niya na si Karolina Pisarek si Erich Gonzales
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel