Magpaalam daw muna! Aiai Delas Alas, may paalala sa mga gumagamit ng kantang "Hayaan mo Sila" ng ExB sa pangangampanya

Magpaalam daw muna! Aiai Delas Alas, may paalala sa mga gumagamit ng kantang "Hayaan mo Sila" ng ExB sa pangangampanya

- Nakarating kay Ai Ai Delas Alas na ang sikat na kantang "Hayaan mo sila" ng Ex- Battalion ay nagagamit sa pangangampanya

- Si Ai ai ang tumatayong maanager ng grupo

- Nagbigay ng mahalagang mensahe ang Komedyante para sa mga gumagamit ng kanta ng kanyang mga alaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakarating kay Ai Ai Delas Alas na may ilang mga kandidato sa Barangay elections ang gumagamit ng kantang "Hayaan mo Sila" sa pangangampanya.

Nalaman ng KAMI na si Ai Ai pala ang tumatayong manager ng Ex- Batallion na siyang nagpasikat ng kanta.

Ayon sa mensaheng natanggap ng Comedy Queen ng Pinas, ang ilang lugar sa Makati City at Quezon City ang hayagang gumagamit ng kantang "Hayaan mo sila" sa kanilang pangangampanya.

Kaya naman bilang manager, na-alarma ang aktres at nag-post patungkol sa wastong paggamit ng kanta.

Bukod sa paalala, naglagay din ng kontak number si Ai ai kung saan sila maaring makausap ukol dito.

"Kung gusto nyong gamitn ang kanta mag text lamang sa ‭(0917) 750 0291‬ maraming salamat po," aniya," aniya.

Patok na patok ngayon ang kantang "Hayaan mo Sila" ng Ex-Batallion kaya naman di nagdalawang isip ang mga kandidato ng Barangay na gamitin ang tono ng kanta upang madali ring matandaan ng madla.

Sa katunayan, Umabot na sa mahigit 50 million views ang music video ng "Hayaan Mo Sila" sa YouTube.

Ito ay mula sa noong unang inilabas ang kanta noon lamang Nobyembre 2017.

Nito lamang Marso ng kasalukuyang taon, nagpirmahan na ng kontrata ang grupong Ex-Batallion at Ai ai bilang manager nila.

Be amazed with this young Pinoy artist's extraordinary masterpiece. André Manguba makes celeb portraits using pasta and ketchup | Kami Stories on KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Sam Milby gives practical advice to men who cheat on their partners in real life

Sam Milby gives practical advice to men who cheat on their partners in real life

Sam Milby gives practical advice to men who cheat on their partners in real life
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel