Gary Valenciano, bumuhos ang mensahe ng suporta matapos ang operasyon

Gary Valenciano, bumuhos ang mensahe ng suporta matapos ang operasyon

- Dumaan sa isang emergency open heart surgery ang nag-iisang Mr. Pure energy na si Gary Valenciano

- Bumuhos ang mensahe ng suporta ng iba't ibang kasama niya sa industriya

- Humingi pa ng paumanhin si Gary V sa mga shows na maaring di na niya madaluhan dahil sa kanyang sitwasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Noong nakaraang Linggo, Mayo 6, dumaan sa emergency open heart surgery si Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Nalaman ng KAMI na dinaan ng kanyang mga malalapit na kaibigan sa showbiz ang pagsuporta kay Gary V.

Sina martin Nievera, Ogie Alcasid, Zsazsa Padilla at Jaya ang ilan sa mga nagsulat ng 'well-wishes' para kay Gary V.

Ang ilan ay nagsasabing hihintayin muli nila ang paghataw ng nag-iisang Mr. Pure Energy sa entablado.

Mukhang poster o banner pa ang instagram post ni Martin Nievera para sa kaibigan.

"We are behind you, Prayers for a quick recovery bro!" post ni Martin.

Ang kapwa niya 'Your face sounds familiar' judge naman na si Ogie Alcasid ay maghihintay sa muling pagbabalik ng fully recovered na na Gary V.

Sina Zsazsa at Jaya ay umaasa rin na mas mapabilis ang paggaling ni Gary V.

Maging si Aicelle Santos ay di nakalimot na magbigay suporta sa kanyang "Tito Gary" upang mapabilis ang pagpapagaling nito.

"Sending hugs and prayers, and declaring complete recovery and total healing on you Tito, in Jesus' name," ani Aicelle.

Samantala, di rin maiiwasang maging emosyonal ng mga anak ni Gary V. na nagpahayag din ng suporta sa kanilang ama.

Isa namang video ang binahagi ni Gab kalakip ang mensahe na sana ay makabalik agad ito sa entablado at makapag-perform muli.

"There are no words to describe what it feels like to perform with this man. Until today, it still leaves me breathless and inspired. This is but a small compilation of the hundreds of performances throughout our lifetime, and many more to come. Imagine, the doctors and specialists say once he recovers, he will be twice or thrice the man he once was. SCARY! With that said, hurry up Papa! The world stage is waiting!" sinulat ni Gab.

Isang statement ang lumabas na sulat di umano ni Gary V patungkol sa kanyang sitwasyon.

Nabanggit niya na noong 35th concert niya na naganap 2 linggo na ang nakalipas, nakaramdam daw siya ng kakaibang pananakit ng dibdib na di pa niya nararamdaman kailanman.

Nagawa pang humingi ng paumanhin ni Mr. Pure Energy sa lahat ng programa na mabibitin dahil sa kanya.

Get well soon Mr. Pure energy Gary V from KAMI.

This video is to pay tribute to Aubrey and to raise awareness about the depression. Depression has no face | Kami Stories on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Proud mamang! Pokwang, buong pagmamalaking napatapos ang anak sa sariling pagsisikap

Proud mamang! Pokwang, buong pagmamalaking napatapos ang anak sa sariling pagsisikap

Proud mamang! Pokwang, buong pagmamalaking napatapos ang anak sa sariling pagsisikap
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel