Butch Franciso nagtaray sa aroganteng manager dahil sa P500

Butch Franciso nagtaray sa aroganteng manager dahil sa P500

- Hinihintay na lang ni Butch Francisco na matapos ang bagong bahay niya

- Ang banyo na lang yung kulang, pero may isang telephone shower siyang nabili na defective

- Nung pinapalitan niya sa store, pinagbayad pa siya ng P500

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinihintay na lang daw ngayon ni Butch Francisco na matapos ang pinapagawa niyang bahay. Tanging kulang na lang daw ay ang isang banyo.

Nalaman ng KAMI na ang isang pares ng telephone showers ay kailangan nang mai-install.

Sabi ng report sa Bandera, nadiskubre ni Butch na depektibo daw ang isnag pares ng nasabing telephone shower.

Butch Franciso nagtaray sa aroganteng manager dahil sa P500

Butch Franciso nagtaray sa aroganteng manager dahil sa P500 (Photo: pep)

Ikinuwento ni Butch na 2016 pa raw niya nabili ito kaya dahil defective eh papalitan niya.

"Kailangan kong papalitan du’n sa store na binilhan ko,”

“Hindi ko alam kung kailangan ko ‘tong sabihin pero nakaengkuwentro ko ‘yung store manager-on duty sa telepono. Pinagbabayad kasi ako ng P500, hindi raw puwedeng palitan since lampas na raw ‘yung one-year warranty. I refused to pay ‘coz ang sa akin, it wasn’t a perishable stuff. Okey lang sana kung pancit ang binili ko. Natural, mapapanis ‘yon,” sabi ni Butch.

Butch Franciso nagtaray sa aroganteng manager dahil sa P500

Butch Franciso nagtaray sa aroganteng manager dahil sa P500 (Photo: youtube)

Nairita siya nang husto dahil narining niya nung kinausap ng delivery boy ang store manager tungkol dito.

“Dinig na dinig ko ‘yung sinabi ng manager, ‘Sige, hayaan mo na, hindi naman niya (Butch) ikayayaman ‘yang P500. Iabot mo na lang ‘yung return slip at papirmahin mo bilang pruweba na natanggap niya ‘yung ipinalit natin.’

“Kinuha ko talaga ‘yung phone sa delivery boy, sabi ko du’n sa manager, ‘Why did you have to say na ‘di ko ikayayaman ‘yung P500? Alam mo, sana lang, hindi ganito ang gawin n’yo sa ibang mga customer n’yo.’ ‘Di siya nakaimik,” sabi ni Butch.

Eh nung nakita ni Butch yung receipt, napansin niya may grammar error pa daw yung nasabing store manager. Kaya ayun, inedit niya talaga.

After all, dating editor ng TV Guide ang nasabing broadcaster.

Who is the woman beside Maja Salvador? on Kami YouTube channel This video shows where the amazing Maja Salvador got her great looks and bod!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dream come true! Maymay Entrata receives invitation to be first Filipina to walk at Arab Fashion Week

Dream come true! Maymay Entrata receives invitation to be first Filipina to walk at Arab Fashion Week

Dream come true! Maymay Entrata receives invitation to be first Filipina to walk at Arab Fashion Week
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel