Jinkee Pacquiao bumuwelta sa netizens na kumwestiyon sa branded OOTDs niya

Jinkee Pacquiao bumuwelta sa netizens na kumwestiyon sa branded OOTDs niya

- May mga netizen na kumuwestiyon sa pagpopost ni Jinkee Pacquiao ng mamahaling gamit sa IG niya

- Sinabihan siya na mas maging epektibong witness siya kung di na nagpopost ng mga branded stuff

- Hindi tumahimik lang si Madame Jinkee but sinagot ang nag comment sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa mga mahilig magpost ng branded items sa IG ay ang misis ni Manny Pacquiao na si Jinkee.

Dahil dito, hindi naiwasan ng ilang netizens na mag-comment sa ginagawa ni Jinkee.

Sinabihan siya ng isang netizen na mas magiging epektibo daw ang pag-witness niya sa Panginoon kung walang kasamang mamahaling gamit dahil ito'y mas magiging sincere.

Sabi ni @kareng3, "When you post without branded clothes; shoes and bags, your witnessing for Jesus seems more sincere, because they don't concentrate on the expensive stuff but the free gift of salvation from Jesus Christ our Lord."

Sa sinabing ito ng netizen, rumesbak si Jinkee at sinabing, "the heart of the matter is the matter of the heart. It's between you and the Lord. All we can do is to love God amd others!"

May isang netizen din na dumepensa kay Madame Jinkee.

Sabi ng netizen na si @cristina23principe, ano daw gusto ng tao na gawin ni Jinkee, bumili ng murang gamit para lang maplease ang mga tao? Nung walang pera daw si Jinkee ay mura ang binibili, ngayon na may pera daw eh tama lang na magsuot ng mamahaling gamit.

"...in the end of the day only GOD knew her and that is all that matters... #blessed those people who have thankful heart #Jinkee is one of them."

Jinkee Pacquiao bumuwelta sa netizens na kumwestiyon sa branded OOTDs niya

Jinkee Pacquiao bumuwelta sa netizens na kumwestiyon sa branded OOTDs niya (Photo: IG via gma)

Kung anuman ang take ng tao sa ginagawang ito ni Jinkee, eh kanya-kanyang opinyon yun, di ba?

Jinkee Pacquiao ay ang asawa ni Sen. Manny Pacquiao, known to be pinakamayamang senador sa Pinas.

Isa rin siyang endorser ng products ng Belo Medical Group.

Who is the woman beside Maja Salvador? on Kami YouTube channel This video shows where the amazing Maja Salvador got her great looks and bod!

Source: Kami.com.ph

Related news
Guiao, pinalitan si Chot bilang coach ng Gilas sa sa pagpapatuloy ng FIBA World Cup qualifiers

Guiao, pinalitan si Chot bilang coach ng Gilas sa sa pagpapatuloy ng FIBA World Cup qualifiers

Guiao, pinalitan si Chot bilang coach ng Gilas sa sa pagpapatuloy ng FIBA World Cup qualifiers
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel