Pinay na nakidnap, binenta at namaltrato, natagpuan na ang totoong pamilya matapos ang 50 na taon

Pinay na nakidnap, binenta at namaltrato, natagpuan na ang totoong pamilya matapos ang 50 na taon

- Tinulungan ng programang Kapuso Mo Jessica Soho si Rosita na hinahanap ang kanyang pamilya sa loob ng 50 taon

-Kalunos lunos ang sinapit ni Rosita mula sa pagkaka-kidnap sa kanya noong 8 taong gulang pa siya, binenta, minaltrato at naging alipin

- Muling nagkita-kita ang magkakapatid nina Rosita ngunit di na niya inabot na buhay ang kanyang mga magulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa programang Kapuso mo Jessica Soho, binahagi ang kwento ni Rosita Villarimo kung saan nagpatulong na diumano sa kanila na mahanap ang kanyang pamilya na di na niya nakasama sa loob ng 5 dekada.

Nalaman ng KAMI na sa Sta. Mesa Manila natagpuan nila ang 58 taong gulang na na si Rosita at buong tapang niyang sinalaysay ang kanyang nakakadurong pusong kwento na dinanas niya mula pa siya noong bata pa lamang.

Walong taong gulang pa lamang daw si Rosita noong siya ay na-kidnap. Dahil sa murang edad, wala siyang kamuwang muwang na sumama sa isang nangngangalang "Kuring".

Ayon dito, isasama raw siya sa Maynila. Di alam ni Rosita na sa puntong iyon matitikman na niya ang hirap at pasakit ng buhay.

Marami pa silang dinaanan bago pa tuluyang dinala ang bata pa noong si Rosita.

Paglapag pa lamang daw ng barko sa Maynila, doon ay may tinagpo na agad si Kuring na mag-asawa.

Kitang-kita ni Rosita na inabutan si Kuring ng mag-asawa ng pera na noong nagkaisip siya, saka lang niya naunawaan na binenta pala siya.

Sinabihan pa noong Kuring si Rosita na huwag aalis sa pudar ng mag-asawa at susunduin lamang nito ang nanay ni Rosita.

Umabot ng isang taon ang paghihintay ni Rosita sa kanyang ina na hindi naman dumating.

Sa kasamaang palad, minaltrato pa siya ng mag-asawang kumuha sa kanya mula kay Kuring.

Pinay na nakidnap, binenta at namaltrato, natagpuan na ang totoong pamilya matapos ang 50 na taon

image: Youtube/KMJS

Humantong pa sa punto na tinutukan si Rosita ng baril ng mag-asawa dahil angatngka siyang lumayas.

Binantaan pa siya na kapag nagtangka pa siyang umalis ay papatayin siya ng mag-asawa.

Sa kada maliit na pagkakamali lamang niya, suntok tadyak at kurot ang laging kapait at wala siyang ibang magawa kundi ang umiyak.

Iniiwan pa si Rosita, kinukulong at ang masama pa ay di siya pinapakain ng maayos.

Nagawa pa ring makatakas ni Rosita agad siyang pumunta sa isang ale na nagngangalang Saling.

Napansin ni Saling ang mga peklat sa mukha ni Rosita. Doon inamin ng batang Rosita ang pagmamaltrato sa kanya ng mag-asawa.

Pinay na nakidnap, binenta at namaltrato, natagpuan na ang totoong pamilya matapos ang 50 na taon

image: youtube/KMJS

Itinago si Rosita sa isang maliit na kabinet ni Aling Saling sapagkat agad na hinanap ni Norma, ang babae na 'kumupkop' noon ngunit nagmaltrato kay Rosita.

Inulit pa diumano ni Norma ang banta na pag nakita nila si Rosita, ay papatayin na ito.

Inilayo ni Saling si Rosita at dinala sa isa pang kasambahay na nagngangalang Betty. Si Betty ang nagdala kay Rosita sa Ilocos.

Ngunit hirap parin ang nadatnan ni Rosita sa Ilocos dahil tatlng taon siyang walang ginawa kundi ang magsaka.

Muling tumakas si Rosita, at naging kasambahay na rin hanggang siya ay sumapit sa edad na 16 taon.

Panibagong hamon na naman ang hinarap ni Rosita sapagkat tinangka naman siyang gahasain ng matandang lalake sa kanyang pinapasukan.

Pinay na nakidnap, binenta at namaltrato, natagpuan na ang totoong pamilya matapos ang 50 na taon

image: youtube/KMJS

Noong siya ay 25 anyos na, bumalik muli si Rosita kay Aling Saling sa Sta. Mesa.

Doong niya nakitang muli ang kanyang kababata na si Rodrigo na kalaunan ay nakatuluyan niya.

Sinubukang magpadala ng liham ni Rosita sa kanyang mga kaanak ngunit palaging itong bumabalik, noon natanggap na niya na nag-iisa na lamang talaga siya.

Sa paghahanap ng mga kaanak ni Rosita, mayroon na namang isang problema na muntik na bumalakid sa kanila.

May nakausap ang team ng KMJS na anak sa isa sa mga pinangalanang kapatid ni Rosita ngunit, Villarino at hindi Villarimo ang apelyido nito.

Pinay na nakidnap, binenta at namaltrato, natagpuan na ang totoong pamilya matapos ang 50 na taon

image: youtube/KMJS

Ngunit, di sila nawalan ng pag-asa sapagkat tumugma ang kwento ng nakapanayam ng KMJS sa kwento ni Rosita.

Buong akala ni Rosita na isasama lamang siya ng team ng KMJS sa paghahanap sa kanyang pamilya. di niya alam na nahanap na nila ito bago pa man siya tumungo sa Davao.

Si Leonila ang bumungad sa pinto kay Rosita at nang malaman niya na ito ang kapatid, wala na siyang ginawa kundi humagulhol.

Ngayon, matapos ang halos 50 na taon na paghahanap, natagpuan ni Rosita ang kanyang mga kapatid.

Sa kasamaang palad, di na ninabot na buhay ni Rosita ang kanyang mga magulang.

This video is to pay tribute to Aubrey and to raise awareness about the depression. Depression has no face | Kami Stories on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel