Lolit Solis, nag-react ng mag-beast mode si Arci Muñoz dahil sa mga pumuna ng pabebe acting niya sa 'Since I Found You'

Lolit Solis, nag-react ng mag-beast mode si Arci Muñoz dahil sa mga pumuna ng pabebe acting niya sa 'Since I Found You'

- Nag-react si Lolit Solis ng magalit si Arci Muñoz dahil pinuna ang kanyang acting sa 'Since I Found You'

- Meron ding payo si Manay Lolit sa kanya

- Umani naman ito ng iba-ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpahayag ng reaksyon ang entertainment writer na si Lolit Solis, patungkol sa isyu ng magalit si Arci Muñoz, dahil sa mga pumuna ng acting niya sa 'Since I Found You.'

Nalaman ng KAMI na meron ding payo si Manay Lolit para sa mga artista bago sila mag-react, na baka pagsisihan din nila sa bandang huli.

Lolit Solis, nag-react ng mag-beast mode si Arci Muñoz dahil sa mga pumuna ng pabebe acting niya sa 'Since I Found You'

Lolit Solis, nag-react ng mag-beast mode si Arci Muñoz dahil sa mga pumuna ng pabebe acting niya sa 'Since I Found You' (Photo: Feisty Momma)

Dinaan ni Manay Lolit sa isang Instagram post ang kanyang reaksyon nitong Lunes, May 7.

"Isa pang nagalit sa mga reaction sa kanya Salve si Arci Munoz.

"Kalokah ha, talagang sa init ng panahon, mainit din ulo ng tao."

Nabanggit din niya na hindi nag-react si Arci noong mga panahong binabatikos siya dahil sa kanyang mukha, pero dito sa "pabebe" acting niya ay talaga namang nagalit ito.

"Hindi nga nag-react si Arci nung nagbago ang mukha niya pero sobra ang reaction niya sa mga pumuna sa pabebe acting niya.

"Ganda din naman na ngayon, diretsa react dahil sa social media, mabilis."

Nagbigay siya ng payo na paminsan mas magandang pag-isipan muna mabuti bago mag-react, kaysa naman pagsisihan ito sa bandang huli.

"Pero minsan sure ako, dahil biglaan ang reaction, pagbigay at buwelta ng negative comments, nagsisisi din siguro iyon iba bakit nag-react sila nang ganun.

"Hay, hinay hinay lang, puwede ba hinga ng konti, isip, tapos saka gawa ng anuman bagay.

"Pag biglaan, walang buwelo, iba ang nangyayari.

"Hirap bawiin. Things we do, iyon na ang tatak natin, iyon na signature mo so do it right para iyon ang nakakabit sa pangalan mo."

Iba-iba naman ang naging reaksyon ng mga tao sa post ni Manay Lolit.

Sinasabi ng iba na siyempre lahat ng tao napupuno rin, pero ang iba naman ay sinasabing talaga namang pabebe ang acting ni Arci at hindi na ito bagay sa kanya.

Read some of the comments from netizens below:

"Lahat po ng tao may mood. Tao din po sila"

"Kasi parang ang tanda nya na sa pabebeng ganun. Pero baka yun naman kasi ang hinihingi ng character nya. May idad na lang din kc si arci kaya medyo hindi na bagay ang pabebe,hindi bagay sa kanya yun pa sweet sweet na ganun. Sa iba kasi cute yun tingnan."

"Hello Manay..kc nman parang di cya bgay sa role,coll.student ang role nya.Alam ng lahat na majunda na cya"

"Manay @akosilolitsolis I remember this very Good actress @msritaavila sabi niya noon okay lang na sabihin nilang hindi ako sexy wag lang hindi ako marunong umarte! Ang galing galing kaya nya dun sa movie nila nina Janice De Belen and Joel Torre, na kahit namatay ang character nya dun sa movie, nabigyan nya ng Justice at naging markado pa... ganun din siguro si Arci Manay, she’s trying her best and work hard for what she has now pero may mga viewers na di na makontento binabash pa sya, siguro napikon na... panoorin nga naman muna bago punahin yung character na ginagampanan nya..."

"Very corny yung acting niya she needs more workshop opinion lang"

Naiulat na noong una, na sinagot ni Arci ang kanyang mga bashers na sinasabing "O.A." at "pabebe" ang acting niya sa palabas nila ni Piolo Pascual.

"Eh anong gusto mo? Iyakan, patayan? Ganun?

"Hayaan mo nga si dani, nagpapacute sya sa boypren nya eh!

"May mga taong mababaw lang ang kaligayahan na napapasaya ng sipleng plot lang.

"Sabi nga ng profile mo mamatay din naman tayong lahat kaya walang basagan ng trip!!! Bye!"

"Sa mga taong nagsasabing O.A si dani mamatay kayo sa ingit!!!

"Palibasa wala kayong tito nathan!! Pak you all!!"

"May mga "sosyal" daw kasing nagsasabing O.A si dani!!!

"Ok... kayo kaya may boyprend na piolo pascual?!

"Tingnan ko lang kung di kayo maging pabebe!!! #gigilnyokoeh"

Watch the video below:

Since I Found You ay isa sa pinaka-bagong Kapamilya series na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Arci Muñoz, Empoy Marquez, JC de Vera at Alessandra de Rossi.

Ipinalabas ang pilot episode nito noong April 16, kapalit ng The Good Son.

Doctors had no idea what's wrong with Angelo. His mom is in pain watching her son suffer. This family needs money for appropriate medical checkup that would allow to set diagnosis. All together we can help! Find Marlyn Rosamiran's contact details in the end of the video.

I am bigger than my illness - Angelo - on KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dream come true! Julia Barretto shares a glimpse of her almost finished mansion

Dream come true! Julia Barretto shares a glimpse of her almost finished mansion

Dream come true! Julia Barretto shares a glimpse of her almost finished mansion
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel