Angeline Quinto, nag-file ng police report dahil sa death threats ng ilang fans ni Sarah Geronimo

Angeline Quinto, nag-file ng police report dahil sa death threats ng ilang fans ni Sarah Geronimo

- Nag-file ng police report si Angeline Quinto

- Ito ay matapos makatanggap siya ng death threats mula sa ilang fans ni Sarah Geronimo

- Nagalit ang fans dahil sa tsismis na pinagtawanan daw ni Angeline ang emotional breakdown ni Sarah si concert niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Opisyal nang nag-file ng police report si Angeline Quinto sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group.

Nalaman ng KAMI na ginawa ito ng singer matapos siyang makatanggap ng death threats mula sa ilang fans ng singer na si Sarah Geronimo.

Ayon sa ABS-CBN News, sa Camp Crame sa Quezon City ginawa ni Angeline ang pag-file ng report.

May mga fans ni Sarah na nagalit kay Angeline dahil sa tsismis na pinagtawanan daw niya ang nangyari kay Sarah sa concert niya sa Las Vegas.

Umiyak at inamin ni Sarah sa concert na pagod at nakakaramdam na “empty” ang buhay niya.

Sinabi rin sa report ng ABS-CBN News na ibinigay ni Angeline ang usernames ng mga bashers na nagpadala ng death threats sa kaniya.

Ayon kay Angeline, wala raw katotohanan na pinagtawanan niya si Sarah at hinamon niya ang nagkalat ng tsismis na maglabas ng ebidensya.

Inilahad din niya na nag-sorry na sa kaniya si Sarah dahil nadamay pa siya sa kontrobersya.

Kampi ang KAMI kay Angeline sa paglaban sa mga bashers na sumusobra na sa pang-aaway sa celebrities!

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" To All Single Moms Out There (Parenting Documentary) – on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
May rason pala! Meghan Markle may nakakagulantang na mga dahilan kung bakit di imbitado ang pamilya sa royal wedding maliban sa nanay

KAMI.com.ph
Mailfire view pixel