Ina ng babaeng netizen sa 'PAP' post ni Ellen Adarna, nagsalita na

Ina ng babaeng netizen sa 'PAP' post ni Ellen Adarna, nagsalita na

- Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang ina ni Eleila Santos

- Siya ang babaeng inaakusahan ni Ellen Adarna na 'paparazzi'

- May mensahe ang ina ni Eleila kay Ellen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa unang pagkakataon ay nagbigay na ng pahayag at saloobin ang ina ni Eleila Santos, ang babaeng netizen na inakusahan ni Ellen Adarna na 'paparazzi.'

Nalaman ng KAMI na meron ding makabuluhang mensahe ang ina ni Eleila kay Ellen.

Ina ng babaeng netizen sa 'PAP' post ni Ellen Adarna, nagsalita na

Ina ng babaeng netizen sa 'PAP' post ni Ellen Adarna, nagsalita na (Photo: Eleila Santos)

Ina ng babaeng netizen sa 'PAP' post ni Ellen Adarna, nagsalita na

Ina ng babaeng netizen sa 'PAP' post ni Ellen Adarna, nagsalita na

Ayon sa ulat ng Smart Parenting, kinausap nila ang ina ni Eleila sa pamamagitan ng email.

Ayon kay Myra Santos, naniniwala siyang inosente ang kanyang anak sa mga binibintang ni Ellen.

"I know my daughter will never do what you are accusing her of doing. Kung hindi kita kilala, mas lalong hindi ka kilala ng anak ko, and I can't see any reason for her to take a video and photos of you. I didn’t bring her to one of the most reputable schools in the Philippines to be a liar. Those are not the values we taught our daughter."

Dagdag pa ni Myra, walang karapatan si Ellen na mag-post ng video ni Eleila sa kanyang social media.

"If you had any problem with my daughter, you should have told her directly or at least got my number and called me. I would take the responsibility since she is still [a] minor. I would not have tolerated what she did if it was wrong. But, on this issue, wala ako makitang mali sa ginawa ng anak ko. Her response showed that my daughter is innocent and sincere."

Sinabi rin niya kay Ellen na kung totoo man na siya ay isa ng ina, balang araw ay ma-ri-realize niya kung gaano kasakit sa isang ina ang kanyang ginawa.

"I heard from the comments that you are pregnant or have already given birth. Someday you will realize how I feel as a mother. You hurt me more than you hurt my daughter."

Ayon naman sa kuwento ni Eleila, una silang dumating ng kanyang kaibigan sa restaurant.

Nakilala raw niya si John Lloyd Cruz pero hindi niya kilala ang kasama nito.

"I’ve heard of (Ellen Adarna's) name, although I’m not sure of what she looks like."

Hindi raw niya alam na kinukunan pala siya ng video ni Ellen sa ramen restaurant.

Nalaman na lang niya ito ng tinawagan siya ng isang kaibigan para sabihin na nasa Instagram stories sila ni Ellen.

"When you PAP us, we PAP you, too!," ang nilagay ni Ellen na caption sa kanyang video.

Noong malaman ni Eleila ang tungkol sa post ni Ellen, sinubukan niya itong kausapin sa pamamagitan ng Instagram Direct pero hindi ito nag-reply sa kanya.

"I took a chance to message her on Instagram about it. I also sent the video of what I took but got no response from her."

Ang una raw niyang reaksyon ay tawanan na lang ang nangyari, pero nakatanggap na ng online bashing si Eleila.

"But then we decided to post since what Ellen did was very personal and invasive of our privacy."

May mga negative at positive comments na natanggap si Eleila. May mga nagsasabi na itigil na niya ang pag-deny at umamin sa ginawa niya.

Pero marami rin ang nagsasabing naniniwala sila sa kuwento ni Eleila.

"We learned firsthand the power of social media through the support we got from those on Twitter and Facebook.

"People should be more wary of what they post on social media, especially those with a large following since their posts influence public opinion. A person’s privacy should be respected at all times and posting pictures of someone without their consent should be avoided."

Sumang-ayon naman ang ina ni Eleila na dapat ay mas maging maingat sa pag-post sa social media.

"The things you post about people affect them in ways that you may not realize before posting, which is why it’s important always to be selective about the things you post online. This is especially so when you are a person that has a large following like Ellen does because it not only starts pointless conflict online, it also implicates the lives of those involved. Just be careful with what you post and be aware of the repercussions that come with posting."

Dagdag pa ng ina ni Eleila, apektado man ang kanilang pamilya sa mga pangyayari, pero proud naman siya kung paano dinadala ng kanyang anak ang insidente.

"This incident made me realize how strong my daughter is. I felt sorry for her, but I’m proud of the way she answered the comments that she was getting on social media."

Ina ng babaeng netizen sa 'PAP' post ni Ellen Adarna, nagsalita na

Ina ng babaeng netizen sa 'PAP' post ni Ellen Adarna, nagsalita na (Photo: Ellen Adarna via Fashion Pulis)

Parehong nag-post si Ellen Adarna at si John Lloyd Cruz ng video ng mga pinaghihinalaan nilang paparazzi.

Naging maingay ang isyu tungkol dito nitong mga nakaraang araw lang.

Naiulat din na maaari raw kasuhan si Ellen sa kanyang ginawa dahil minor pa si Eleila.

Doctors had no idea what's wrong with Angelo. His mom is in pain watching her son suffer. This family needs money for appropriate medical checkup that would allow to set diagnosis. All together we can help! Find Marlyn Rosamiran's contact details in the end of the video.

I am bigger than my illness - Angelo - on KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Vice Ganda reveals reason for not wanting to do teleseryes again

Vice Ganda reveals reason for not wanting to do teleseryes again

Vice Ganda reveals reason for not wanting to do teleseryes again
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel