Bukod sa pagiging sweet na boyfriend, sweet na apo din pala ang 'lola's boy' na si Jason Abalos

Bukod sa pagiging sweet na boyfriend, sweet na apo din pala ang 'lola's boy' na si Jason Abalos

- Naging emotional ang Kapuso actor na si Jason Abalos sa kanyang pinost sa Instagram account tungkol sa kalagayan ng kaniyang lola

- Ikuwinento ni Jason kung gaano sila ka-close nito, at ibinunyag na isa siyang lola's boy

- Ayon sa kaniya, nagsisisi siya na hindi nakasama ng mas madalas ang lola simula ng maging active siya sa showbiz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging emotional ang Kapuso actor na si Jason Abalos sa kanyang pinost sa Instagram account tungkol sa kalagayan ng kaniyang kapamilya. Nasa ICU pala ang kaniyang lola at walang magawa ang aktor kung hindi manghinayang sa mga panahon na malakas pa ito.

"Kinausap ko siya habang nakahiga, alam ko narinig nya ako dahil nakita ko lumuha siya. Sana nasabi ko ung mga sinabi ko nong alam ko kaya niya pa sumagot at sana nayakap ko siya nong panahon na pwede niya pa ako yakapin," paglalantad niya.

Ikuwinento ni Jason kung gaano sila ka-close ng kaniyang lola.

"Mula nong tuesday bumabalik sa akin ang mga alala namin maglola, kasabwat niya ako sa pag taya ng jueteng na tinatago namin kay Lolo," kuwento ng aktor. "Ako utusan niya para mag pabili sa tindahan, gusto ko naman dahil sa akin na ang sukli. Pag fried chicken ang ulam una niya, ako binibigyan minsan dalawang piraso pa na dapat tigitigisa lang."

Ayon sa aktor, bata pa lamang siya ay Lola's boy na siya.

"Tumira kami sa kanila nong mga bata pa kami dahil wala pa kami sarileng bahay." Ngunit kahit humiwalay na sila noong college student na siya, sinigurado pa din daw niyang bumisita sa mga lolo at lola tuwing weekends.

"Nong nag college na ako at naka bukod na kami sa kanila ako umuuwi pag sabado at linggo para mag laba ng damit pamasok sa school at dahil din dinadagdagan nya ang weekly allowance ko, di naman nya ako paborito, gusto lang nila ni Lolo sa mga apo na gusto makatapos ng pag aaral. Hangang sa naka tapos ako ng college, tapos napunta sa showbiz," emosyonal na kuwento ng binatang aktor.

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
May rason pala! Meghan Markle may nakakagulantang na mga dahilan kung bakit di imbitado ang pamilya sa royal wedding maliban sa nanay

May rason pala! Meghan Markle may nakakagulantang na mga dahilan kung bakit di imbitado ang pamilya sa royal wedding maliban sa nanay

May rason pala! Meghan Markle may nakakagulantang na mga dahilan kung bakit di imbitado ang pamilya sa royal wedding maliban sa nanay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel