James Reid, sinagot ang issue na 'user' ang kaniyang mga kaibigan

James Reid, sinagot ang issue na 'user' ang kaniyang mga kaibigan

- Isang basher ang nanita sa mga di umano'y "user" na mga kaibigan ni James Reid

- Ayon dito, aya lang daw siya dinidikitan ng mga kaibigan sa showbiz ay para mapakinabangan nila ang kaniyang kasikatan at mga koneksyon sa industriya

- Sunod sa pangalan ng kanilang music label, 'Careless' nga si James sa say ng kaniyang bashers

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilan ni James Reid na sagutin ang isang netizen na pinipikon siya sa kaniyang isang Instagram account.

Sa pag popromote ni James sa kaniyang bagong kanta, isang basher ang nanita sa mga di umano'y "user" na mga kaibigan niya.

Hirit nito, kaya lang daw siya dinidikitan ng mga kaibigan sa showbiz ay para mapakinabangan nila ang kaniyang kasikatan at mga koneksyon sa industriya.

Binangga din ng basher ang pamilya ni James, partikular ang mga kapatid na sina Tom at Lauren.

James Reid, napikon sa hirit ng basher tungkol sa 'user' na mga kaibigan

Screen capture from James Reid's Instagram account

Kalmadong sagot ni James, mali lang daw ang perspective na ginagamit ng netizen. Ayon sa kaniya, maswerte siya na napapalibutan siya ng mga creative at talented na tao na tumutulong sa kaniyang gawin ang mga gusto niyang gawin sa kanyang craft.

Payo pa ni James, wag na daw mag complain ang netizen, at sa halip ay mag contribute na lang ito. Hindi din daw naapektuhan si James sa mga hirit ng basher.

Sunod sa pangalan ng kanilang music label, 'Careless' nga si James sa say ng kaniyang bashers.

Noong nakaraang taon, nilaunch ni James Reid ang sarili niyang music production outfit na Careless Manila. Business partners niya ang mga kaibigan na tinutulungan siya sa pag produce, pag shoot ng music videos, at pag gawa ng art para sa kaniyang albums. Nilaunch sa ilalim ng brand na ito ang kaniyang album na 'Palm Dreams', at kanta ng girlfriend na si Nadine Lustre na 'Stay Up'.

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
Dream come true! Maymay Entrata receives invitation to be first Filipina to walk at Arab Fashion Week

Dream come true! Maymay Entrata receives invitation to be first Filipina to walk at Arab Fashion Week

Dream come true! Maymay Entrata receives invitation to be first Filipina to walk at Arab Fashion Week
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel