Willie Revillame, pinuntahan at sinorpresa ang audience member na natulog sa Wowowin

Willie Revillame, pinuntahan at sinorpresa ang audience member na natulog sa Wowowin

- Nakita ni Willie Revillame na natutulog ang isang audience member sa Wowowin

- Tinabihan ni Willie ang audience member

- Binigyan pa ng host ang lalake ng mga regalo kahit natutulog siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napaka-bait talaga ni Willie Revillame sa mga audience members niya, kahit doon sa mga natutulog.

Napanood ng KAMI kung paano sinorpresa ni Willie ang isang audience member na nakatulog sa “Wowowin.”

Ayon sa GMA Entertainment, nangyari ang nakakatawang engkwentro sa grand finale ng “The Will to Win.”

Nagulantang na lamang ang audience member na katabi na niya si Willie at meron pang mga regalo sa kaniyang gadget at jacket.

Narito ang viral video:

Tuwang-tuwa rin ang netizens sa nangyari sa Wowowin:

“grabe si Kuya..natulong lang, pag gising may pera at cellphone na..hahaha”

“dapat ganito din yung mga teacher hindi nangbabato ng eraser”

“Para kasing hinehele at malamig SA studio. Swerte ni Brad narelax na may premyo pa!”

“Grabe ang bait ni kuya will love you kuya will.”

“nanaginip sya ng nanalo sya ng 3k at cellphone, nagkatotoo”

Kilala si Willie bilang isa sa mga pinakamayayamang artista sa Pilipinas.

Si Willie ay isa sa mga pinakamayamang artista sa Pilipinas.

Sumobra ang sikat niya sa noontime show niya sa ABS-CBN na “Wowowee.”

Sa ngayon, ang kaniyang programa ay mapapanood na sa GMA Network.

Bilib ang KAMI kay Willie dahil maunawain siya at mapagbigay sa kaniyang mga audience members!

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" To All Single Moms Out There (Parenting Documentary) – on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Jackie Chan, may inamin tungkol sa nagawang pang-aabuso at pangangaliwa sa asawa

Jackie Chan, may inamin tungkol sa nagawang pang-aabuso at pangangaliwa sa asawa

Jackie Chan, may inamin tungkol sa nagawang pang-aabuso at pangangaliwa sa asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel