Nakakaloka ang mga pangyayari! Bianca Jackes, nagsalita na tungkol sa pananaksak diumano sa kanya ni Mark Cardona

Nakakaloka ang mga pangyayari! Bianca Jackes, nagsalita na tungkol sa pananaksak diumano sa kanya ni Mark Cardona

- Sinugod sa ospital si Bianca Jackes noong Sabado dahil umano sa pananaksak sa kanya ni Mark Cardona

- Dalawang taon na raw silang hindi nagsasama ng basketbolista

- Pinabulaanan ni Bianca na nagkaroon sila ng pagtatalo kaya siya sinaktan ng dating kinakasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binasag na ni Bianca Jackes ang kanyang katahimikan matapos siyang maisugod sa ospital nitong Sabado dahil diumano sa pananaksak sa kanya ng dating PBA player na si Mark Cardona.

Inilahad ni Bianca sa kanyang Instagram Stories ang kanyang bersyon ng mga pangyayari.

Aniya, dalawang taon na raw silang hindi nagsasama ng dating kasintahan at bigla na lamang daw itong sumulpot sa kanyang tinitirahan.

"Mark and I are not together. We haven't been together for two years. He just showed up where I was staying with my two kids and attacked me with a knife and stabbed me," saad ni Bianca.

Ayon pa kay Bianca, hindi raw totoo ang unang mga balita na nag-away sila ni Mark kaya siya nito sinaksak.

Diumano, nasa impluwensya raw ng droga ang basketbolista nang pumunta ito sa condo niya sa Makati, ayon sa kwento ni Bianca.

"There was no argument that happened. Mark went there high... trying to get back with me and I refused," saad pa ni Bianca.

Dagdag pa niya, sinubukan lang daw niyang pakalmahin si Mark.

"All I did was try to calm him down," aniya.

Nagtamo ng saksak sa braso si Bianca at kinailangang umanong operahan.

Si Mark naman ay nasa kustodiya pa rin ng pulis sa Makati.

2016 nang unang mapabalita na sinasaktan umano ni Mark si Bianca.

Ayon pa sa ABS-CBN News, minsan na rin daw nagtangkang magpakamatay si Mark sa pamamagitan ng droga.

At nito lang Pebrero, kinasuhan si Mark dahil sa pagbebenta ng sasakyan na hindi niya pag-aari.

Dating manlalaro sa Philippine Basketball Association si Mark. Naglaro siya para sa Air21 Express hanggang 2016.

Doctors had no idea what's wrong with Angelo. His mom is in pain watching her son suffer. This family needs money for appropriate medical checkup that would allow to set diagnosis. All together we can help! Find Marlyn Rosamiran's contact details at the end of the video.

I am bigger than my illness - Angelo - on KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars

Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars

Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel