Moira dela Torre, tinawanan lang ang mga nang-iintrigang buntis di umano siya

Moira dela Torre, tinawanan lang ang mga nang-iintrigang buntis di umano siya

- Marami ang nagulat at natuwa sa balitang engaged na sina Moira dela Torre at ngayon ay fiancé niyang si Jason Hernandez

- Nagbigay ng kanyang reaaksiyon ang singer matapos ma intriga ang dahilan ng kanilang pagpapakasal

- Meron nagsasabing mukha daw siyang buntis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tinawanan lamang ng magaling na mang-aawit na si Moira dela Torre ang bali-balitang buntis na daw siya.

Isang writeup umano ang nagbalita na mukha siyang buntis sa engagement photos nila ng fiancé niyang si Jason Hernandez.

Sa pamamagitan ng Twitter ay ibinahagi ni Moira ang isang writeup sa isang tabloid na inanunsiyo noong ika 29 ng Abril.

Isang bahagi ng nasabing artikulo ay binilugan ng singer ang di umano'y negatibong reaksiyon mula sa mga netizens.

“Pero inintriga ang photo ni Moira ng mga netizen. Mukha raw itong buntis sa nasabing larawan.

“Ipinagtanggol naman si Moira, 'Panira talaga mga taong katulad mo. Di ba pwedeng maging engaged ang hindi buntis? Pagiging buntis lang ba ang reason ng pagpapakasal?

“'Pwede bang love na lang & wag munang nega.'”

Imbes na mapikon ay tinawanan lang ito ni Moira at kanyang isinulat ito,

"Buntis agad wala pa ngang kiss!!!”

Biniro din niya ang kanyang fiancé, “Mas mukhang buntis si @jasonmarvinph”

Sa bandang ibaba ng screenshot sinabi din ng singer na, “Sige na nga magddiet na ako.”

Sa caption naman ng nasabing post, nilinaw niya na taba lang talaga ang sinasabi nilang 'parang buntis.'

“Chubbs lang po me.”

Sumikat si Moira sa kanyang mga awitin na punong puno ng emosyon at ginamit na rin sa ilang mga pelikula bilang sound track.

Ginulat niya ang kanyang mga tagahanga at kaibigan nang ibahagi niya ang isang music video kung saan nag propose ang nobyo niya.

This phenomenal Filipino love story will make you believe in magic - on Kami YouTube channel

Love is indeed one of the most powerful forces in the world. When it comes to love: what the mind forgets, the heart remembers.

Source: Kami.com.ph

Related news
May rason pala! Meghan Markle may nakakagulantang na mga dahilan kung bakit di imbitado ang pamilya sa royal wedding maliban sa nanay

May rason pala! Meghan Markle may nakakagulantang na mga dahilan kung bakit di imbitado ang pamilya sa royal wedding maliban sa nanay

May rason pala! Meghan Markle may nakakagulantang na mga dahilan kung bakit di imbitado ang pamilya sa royal wedding maliban sa nanay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel