Angeline Quinto, nakatanggap ng suporta mula kay Lea Salonga matapos pagbantaan ng basher ang kanyang ina

Angeline Quinto, nakatanggap ng suporta mula kay Lea Salonga matapos pagbantaan ng basher ang kanyang ina

- Nagparating ng suporta si Lea Salonga kay Angeline Quinto laban sa kanyang mga bashers

- Meron kasing mga bashers si Angeline na dinadamay pati ang kanyang ina

- Umani ito ng iba-ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng mga nam-babash kay Angeline Quinto, ay nagpahayag naman ng suporta si Lea Salonga sa kanya.

Nalaman ng KAMI na merong mga bashers si Angeline na dinadamay pati ang kanyang ina.

May isang netizen na may handle na @EddieDhandsome ang pinagbantaan ang ina ni Angeline, "Hoi plastic, mamatay na daw nanay mo bago mag mothers day.. kaya mag makaawa ka na sa kaplastikan mo.."

Sumagot si Angeline dito at sinabing walang kasalanan ang Nanay nito sa kanya.

"Hindi mo alam ang epekto nito sa akin.

"Sana ako nalang ang winish mong mamatay.

"Hindi ang Mama Ko.

"Walang kasalanan ang Nanay ko sayo.

"Sana makilala kita Eddie.

"Sana makapag harap tayo. Sana magpakita ka sa akin."

Nag-reply naman si Lea dito at sinabing duwag ang mga ganitong klaseng bashers, sinabi rin niya na magpakatatag si Angeline, ayon sa ulat ng Fashion Pulis.

"One, ang punong walang bunga ay hindi binabato.

"Two, ang mga gumagawa ng ganoon ay duwag.

"Wala siyang tapang na magpakita sa iyo.

"Hanggang sa Twitter lang ang kanyang lakas loob.

"Three, mas maraming nagmamahal sa iyo keysa hindi. Magpakatatag lang, @AngelineQuinto."

Umani naman ito ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens.

May isang netizen pa na nakapuna na bakit si Angeline lang daw ang binigyang suporta ni Lea at hindi kasama si Sarah Geronimo.

Mabilis naman itong sinagot ng mga netizens at binatikos ang komento niya.

Read some of the comments from netizens below:

Lea Salonga, pinagtanggol si Angeline Quinto sa kanyang mga bashers

Lea Salonga, pinagtanggol si Angeline Quinto sa kanyang mga bashers (Screenshot: Fashion Pulis)

Nadawit sina Angeline Quinto at Morissette Amon sa isyu ng emotional breakdown ni Sarah Geronimo, matapos silang maakusahan ng Popsters na pinagtawanan nila ang kanilang idol.

Mariin naman itong pinabulaanan ng dalawang singers. Sa kabila nito, marami pa rin ang patuloy na nam-babash kay Angeline at dinadamay pa ang kanyang ina.

Umaksyon na si Angeline ukol dito at ni-report na sa mga awtoridad ang mga bashers.

Doctors had no idea what's wrong with Angelo. His mom is in pain watching her son suffer. This family needs money for appropriate medical checkup that would allow to set diagnosis. All together we can help! Find Marlyn Rosamiran's contact details in the end of the video.

I am bigger than my illness - Angelo - on KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Siya daw ang dapat sisihin! Kris Aquino matapang na inakong siya ang may sala sa diumano'y mababang kita ng 'I Love You, Hater'

KAMI.com.ph
Mailfire view pixel