Nagtagpo ang mga wonder moms! Kristel de Catalina ng PGT, tuwang tuwa nang makita ang kanyang idol

Nagtagpo ang mga wonder moms! Kristel de Catalina ng PGT, tuwang tuwa nang makita ang kanyang idol

- Masayang masaya si Kristel de Catalina angn makita ang kanyang idolo

- Kagaya niya, isa ring single mom si Denise Laurel

- Hinahangaan niya ang aktres dahil sa pagiging athletic nito at maganda at sexy din

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang paglagayan ng kanyang tuwa si Kristel de Catalina, ang tinanghal na kampiyon ng "Pilipinas Got Talent" nang makita niya ng personal ang aktres na si Denise Laurel.

Ipinalabas ang pagtatagpo ng dalawang nag gagandahang single mom sa isang episode ng Magandang Buhay nitong Biyernes.

Kagaya ni Kristel, si Denise ay meron ding anak na lalaki.

"Bukod sa maganda siya at sexy. [Hinahangaan] ko 'yung pagiging athletic niya and nagwo-workout talaga siya para ma-maintain 'yung body niya.

Bukod doon, isa rin siyang ina at nakaka-inspire 'yung ginagawa niyang pagsusumikap para itaguyod ang anak niya," saad ni Kristel.

Natuwa naman ang aktres na maging inspirasyon siya ng isang inang kagaya niya.

"I want to inspire all mothers, not just single mothers, not just young mothers but all mothers of every age that you can do whatever you want to do.

Motherhood is the beginning of your life and you (Kristel) are a true testament to that. Ngayon, ikaw naman ang inspirasyon," sabi ng aktres kay Kristel.

Isa pa din sa kanilang pagkakaparehas ay ang pagiging kampeon nila sa kanilang sinalihang reality show at talent search.

Si Denise ang nanalo sa "Your Face Sounds Familiar 2."

7 Best Acupressure Points for Weight Loss - on Kami YouTube channel

Trying to lose weight? Control your appetite with these Acupressure weight loss techniques!

Source: Kami.com.ph

Related news
Atom Araullo, nanatiling tikom ang bibig sa gitna ng pambabatikos sa kanya, may hawak daw na "disappointing" documents laban kay Mike de Leon

KAMI.com.ph
Mailfire view pixel