'Hindi na namin alam kung paano magiging okay ulit' Sofia Andres may mga rebelasyon sa hiwalayan nila ni Diego Loyzaga

'Hindi na namin alam kung paano magiging okay ulit' Sofia Andres may mga rebelasyon sa hiwalayan nila ni Diego Loyzaga

- Hindi man pormal na umamin si Sofia Andres na naging boyfriend niya nga si Diego Loyzaga, matapang namang sinagot ng aktres ang mga spekulasyon sa kanilang paghihiwalay

- Ibinunyag ni Sofia na mas mabuti sa kanila ang maghiwalay na lamang ng landas at wag ng ituloy ang kanilang relasyon

- “Not this time po", ang sagot niya ng tanungin kung pwede ba silang maging magkaibigan ulit matapos ang hiwalayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi man pormal na umamin si Sofia Andres na naging boyfriend niya nga si Diego Loyzaga, matapang namang sinagot ng aktres ang mga spekulasyon sa kanilang paghihiwalay.

Sa isang interview, ibinunyag ni Sofia na mas mabuti sa kanila ang maghiwalay na lamang ng landas at wag ng ituloy ang kanilang relasyon.

“Ano po naman. Okay na po kami nang separate, mas okay po sa amin. Kasi pag magkasama kami, laging nagka-clash po kami, mas better na…” sagot ni Sofia.

Ayon sa dalaga, maayos ang kanilang naging hiwalayan at ngayon ay hindi naman sila magkagalit.

“Civil lang lang po kami,” pag-amin pa niya. “Ang okay naman din sa akin, mabilis akong mag-move-on. Ang ginagawa ko na lang, ina-avoid ko po yung tao, kahit po yung mga connected sa kanya.

Payo ni Sofia, makakatulong ang pag-iwas sa social media sa moving on at healing process.

“Wala ring social media hangga’t maaari. Kasi dati po ako, lagi akong naka-social media, so nakikita ko rin. Honestly ngayon, hindi kami friends kahit sa Instagram and Twitter,” aniya.

Nang tanungin kung bakit sila naghiwalay, kinuwento ni Sofia na nagka-clash talaga ang kanilang personality.

“After po nung Pusong Ligaw kasi… there are times na okay po kami, there are times na nagka-clash talaga. Iba po kasi yung wavelength namin, eh. Iba rin yung lifestyle niya at yung lifestyle ko,” paliwanag ng aktres.

Dagdag pa niya, “Hindi pa po kami nakakapag-usap nang seryoso. Pero meron pong nangyaring usapan before, pero magulo po, eh.”

Kung mayroon mang mabuting naidulot ang relasyon nila, ito ay ang mga aral na napulot ng young star.

“Don’t force it. I mean, dadating po kasi yon, eh. Siguro, yung sa amin minadali namin. Saka pag may mga advice, kailangan nakikinig. Kasi minsan, inuuna yung nararamdaman kesa don sa kung ano yung nakikita,” sagot niya.

Nang tanungin kung posible ba na maging magkaibigan ulit sila ng aktor, ito ang mariing sagot ni Sofia:

“Not this time po,” medyo papailing na pahayag ng dalaga. “Iba po kasi talaga siguro kapag nasaktan namin yung isa’t isa nang sobra. Hindi na po namin alam kung paano magiging okay ulit,” huling pahayag niya sa PUSH.

Naglabasan ang mga issue ng kanilang relasyon ng napadalas ang pagpost ng dalawa sa kanilang mga social media accounts. Hindi man umamin, marami ang nag-assume na naging magkarelasyon ng ang dalawang baguhang artista ng ABS-CBN.

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
Dakilang panunulsol! Daniela, inutusan si Marga na kunin ang loob ni Cassie

Dakilang panunulsol! Daniela, inutusan si Marga na kunin ang loob ni Cassie

Dakilang panunulsol! Daniela, inutusan si Marga na kunin ang loob ni Cassie
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel