Anak ni Judy Ann Santos na si Luna, papasa ba bilang Make Up Artist?

Anak ni Judy Ann Santos na si Luna, papasa ba bilang Make Up Artist?

- Mukhang nadiscover na ni Judy Ann Santos ang future ng anak na si Luna Agoncillo

- Sa isang Instagram post, ipinamalas ni Luna ang kaniyang potential maging make up artist

- Sa ngayon, ang mukha ng kaniyang mommy muna ang kaniyang pagpa-practisan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Future actress? Vlogger? Chef?

Pagmamalaki ng aktres na si Judy Ann Santos, nadiscover na daw niya ang talent at posibleng future career ng anak na si Luna!

Sa isang live Q and A session sa kaniyang official Facebook page, napasaya ni Juday ang libo-libong fans at followers sa tulong ng kaniyang special guest.

Pero bago pa man ang live session, ipinasilip ng aktres at chef ang behind the scenes kung paano siya naghanda para sa streaming.

Pinost ni Juday ang isang video sa kaniyang Instagram account kung saan ipinamalas ni Luna ang kaniyang potensyal sa pag-memake up.

“Okay, we’re getting ready for our Judy Ann’s Kitchen Facebook Live with my makeup artist… What’s your name?”, tanong niya sa kaniyang guest star.

“Luna,” cute na cute na sinabi ng bunsong anak.

Makikita sa video ang closeness ng mag-ina, kung saan sinabi ni Juday na 'nananakit' pa ang kaniyang bunso.

Halos kakauwi lang ng pamilya mula Italy kung saan nag celebrate ng wedding anniversary si Juday at asawang si Ryan Agoncillo. Pinagkakaabalahan ni Juday ang kaniyang online cooking series na 'Judy Ann's Kitchen'. Aabangan ng fans ang pagbabalik telebisyon nito soon!

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
Say cheese! 6 Cutiepies ng mga sikat na nakakagigil ang happy smile

Say cheese! 6 Cutiepies ng mga sikat na nakakagigil ang happy smile

Say cheese! 6 Cutiepies ng mga sikat na nakakagigil ang happy smile
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel