Vilma Santos, kaagad may naka-PDA sa kaniyang bagong social media account?

Vilma Santos, kaagad may naka-PDA sa kaniyang bagong social media account?

- Gumawa na ng Instagram account ang Star for All Seasons na si Vilma Santos

- Binigyan siya ng warm welcome ng anak na si Luis Manzano sa online world

- Kaagad namang naglambingan ang mag-ina online gamit ang throwback pictures at sweet na palitan ng 'I love you's!' ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa wakas, gumawa na ng Instagram account si Star for All Seasons, Vilma Santos.

Gamit ang username na @vilmasantosrecto, nag-hello online world ang congresswoman ng Batangas gamit ang isa sa kaniyang mga litrato.

Kaagad niyang tinag ang anak na si Luis Manzano, at ang kaniyang loyal fans na #Vilmanians, sabay sabing: "I'M ON INSTAGRAM NA!"

Binigyan naman siya ng anak ng warm welcome, na kilalang aktibo sa social media. Nagpost ang I Can See Your Voice host ng isang throwback photo nilang mag ina.

"Momskie @vilmasantosrecto, welcome to the wonderful world of Instagram!," kaagad na pagbati ni Luis sa kaniyang techy mommy.

Pagwelcome man sa Instagram ang pakay niya, hindi pa din naiwasan ni Luis na magpatawa at papurihan ang sarili.

"THROWBACK--ang patunay na noon pa man, ibang level ang hotness ko!", bagaman, ipinakita pa din naman nito ang kaniyang paglalambing sa ina, ng lagyan ng "I love you, momski!" na quote ang kanilang picture.

Online na ang lambingan ng mag-ina ng magpost din si Ate V ng throwback picture ni Luis noong siya ay baby pa lang, na may quote na "I love you, Lucky!" Naglagay pa ng sariling hashtag ang ina, na tumulad sa mga sikat na love team ngayon.

"I know na how to hashtag," pagmamalaki ni Vilma. "#ViLucky"

Matatandaang binalaan ni Luis ang kaniyang followers na mayroong poser sa Instagram ang ina. Bago mag Instagram, mayroong sariling Facebook page ang artista turned politiko, kung saan siya nagpopost ng updates sa kaniyang distrito sa Batangas.

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
Jackie Chan, may inamin tungkol sa nagawang pang-aabuso at pangangaliwa sa asawa

Jackie Chan, may inamin tungkol sa nagawang pang-aabuso at pangangaliwa sa asawa

Jackie Chan, may inamin tungkol sa nagawang pang-aabuso at pangangaliwa sa asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel