Bench endorser na si Cole Sprouse binatikos dahil sa caption ng larawan niya na kuha sa Pinas

Bench endorser na si Cole Sprouse binatikos dahil sa caption ng larawan niya na kuha sa Pinas

- Kamakailan ay bumisita si ang 'Riverdale' star na si Cole Sprouse sa Pilipinas para sa ilang endorsement shows ng Bench

- Sa kanyang instagram binahagi ni Cole ang ilang larawan na kuha niya sa iba't ibang parte ng Maynila

- Ngunit ilang mga Pinoy na nakakita ng isang post niya patungkol sa isang batang babae na sumusunod daw sa kanya ay di natuwa sa nilagay niyang caption dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang American Teen actor na Cole Sprouse ng TV series na Riverdale ay bumisita kamakailan sa ating bansa para sa local lifestyle brand na Bench.

Bukod sa mga Meet and Greet shows niya sa bansa, Nagawa pa ni Cole na mag-ikot sa Kamaynilaan para kumuha ng ilang larawan at binahagi niya ito sa kanyang Instagram account.

Nalaman ng KAMI na isang larawan ang tila kinagalit ng ilang pinoy dahil sa caption na nilagay ni Cole.

Ayon sa Cosmo.ph isang post kung saan kuha sa isang lugar ng informal settlers, makikita ang isang batang babae na nakatingin sa camera ni Cole.

Nilagay niyang caption ang "Well I'm not your parent, don't gotta follow me around."

Ngunit dahil sa dami nang bumatikos sa post na ito, binura na ito ng bench endorser

Sa kanyang instagram stories, humingi ng paumanhin si Cole sa mga nasaktan na Pinoy sa kanyang post.

"For those of you who took offense in this photo or the caption, I removed it. My apologies and not my intention. Certainly not seeking to sensationalize poverty nor poke fun Shoulda have thought more about the words used And the implications of those words i hadn't even considered,"

"I'll continue to post about my travel though Manila, showing all sides of the city as experienced." paliwanang ni Cole.

Narito ang ilan pang kuha ni Cole sa pamamasyal niya sa Maynila. Divisoria at ilang palengke ang napuntahan ni Cole, balita pa nga na sumakay siya ng Jeep.

Samantala, narito naman ang video kung saan nakunan ng video na patawid si Cole sa isang kalsada ng Kamaynilaan.

Si Cole ang pinakabagong Bench endorser kaya naman ito bumisita sa bansa.

Mapapanood siya sa American TV series na 'Riverdale' na base sa Archie comics.

Be amazed with this young Pinoy artist's extraordinary masterpiece. André Manguba makes celeb portraits using pasta and ketchup | Kami Stories on KAMI youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Daniel Matsunaga, mariing itinanggi na kamukha ng present girlfriend niya na si Karolina Pisarek si Erich Gonzales

Daniel Matsunaga, mariing itinanggi na kamukha ng present girlfriend niya na si Karolina Pisarek si Erich Gonzales

Daniel Matsunaga, mariing itinanggi na kamukha ng present girlfriend niya na si Karolina Pisarek si Erich Gonzales
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel