Morissette Amon, itinanggi ang alegasyon na ginaya niya ang eksena ni Sarah Geronimo sa Las Vegas

Morissette Amon, itinanggi ang alegasyon na ginaya niya ang eksena ni Sarah Geronimo sa Las Vegas

- Nagsalita na sa wakas si Morissette Amon tungkol sa pagkakadawit niya sa panggagaya raw sa eksena ni Sarah Geronimo sa Las Vegas concert nito

- Mariing tinanggi ni Morissette na may pangyayaring ganoon kung san magkasama pa sila ni Angeline Quinto na ginaya at niloko ang pagiging emosyonal ni Sarah Geronimo sa Las Vegas concert niya

- Iniidolo niya raw si Sarah at hinding hindi niya kayang magawa na pagtawanan ang aktres lalo sa sitwasyon kung saan nagkaroon ng emotional breakdon ang singer/actress dahil sa sobrang pagod

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Laking gulat ni Morissette na nadawit ang kanyang pangalan sa kontobersiya na kinasasangkutan ngayon ni Angeline Quinto.

Nalaman ng KAMI na mariing tinanggi ni Morissette ang mga paratang sa kanya kung saan niloko at ginaya niya si Sarah Geronimo sa emosyonal na concert niya sa Las Vegas.

Ayon sa isang panayam ng ABS-CBN kay Morissette, sinabi ng singer na kasama niya ang kanyang pamilya noong napanood niya ang video ni Sarah.

"Wala pong nangyaring gano'n talaga. Napanood ko 'yung video ni ate Sarah na umiiyak, I was at home with my family," kwento ni Morissette.

Kabaliktaran naman ito ng nabalitang kasama raw niya si Angeline Quinto sa dressing room ng 'Umagang kay Ganda' na habang pinanonood ang video ni Sarah ay pinagtatawanan nila ito at ginagaya.

Pati ang UKG host na si Amy Perez ay nadawit sa kontrobersyang ito dahil ang personal assistant di umano ni Chang Amy ang nakakita at nakarinig ng ginawa na ito nina Angeline at Morissette.

Maging si Amy Perez ay itinanggi ang pangyayari sapagkat unang una, wala raw siyang PA. Dun pa lang patunay na hindi totoo ang kumakalat na balita.

Isa pang sitwasyon na magpapatunay na di totoo ang pangyayai ay nang nag-guest nga si Morissette sa Umagang Kay Ganda, hindi raw siya pumasok sa dressing room nito.

Ang mismong staff ng UKG ang makapagpapatunay nito.

"Nagulat ako, Bakit naman po kami dinadamay ni Angeline, na ginawan pa kami ng ganoong kuwento?"ani Morissette.

Dagdag pa niya, kulang sa ebidensya ang naturang kwento At mabilis na kumalat sa social media na siyang madali namang pinaniwalaan ng ibang tao.

"Nagulat po ako na ang daming naniwala sa wala namang evidence. It's sad that people can believe that fast. I'm just sad about that."

Sa kabila nang mga ganitong kaganapan, mayroon pa rin namang mga taong naniniwala na walang katotohanan ang mga paratang na ito kina Angeline at Morissette.

"I'm OK, I'm not bothered by it, because malinis naman ang konsensiya ko. I know I did nothing like that," sagot ni Angeline sa mga nangungumusta sa kanya.

Ayon pa kay Morissette, iniidolo raw niya talaga si Sarah kaya naman imposibleng pagtawanan at lokohin niya lamang ito gaya ng binibintang sa kanya.

"To say na I'm someone who would be laughing at someone as big as Sarah Geronimo, na sobrang ina-idol ko, grabe naman sila na binabaliktad nila 'yun," wika ni Morissette.

Si Morissette ay naging bahagi ng Team Sarah nang sumali siya sa The Voice noong 2013.

Mabilis na bumulusok ang career ni Morissette dahil sa angking talento nito sa pagkanta.

Naging bahagi agad siya ng Sunday noontime show na ASAP at nagkaroon na rin siya ng sariling

Dahil na rin sa dami ng kanyang naanalunan na awards sa kanyang singing career, tinagurian siyang "The Next Big Diva."

This video is to pay tribute to Aubrey and to raise awareness about the depression. Rest in peace, Aubrey. Depression has no face | Kami Stories In KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Text lang pala katapat nila! Sila ang mga celebs na binreak ng mga jowa sa pamamagitan ng text message

Text lang pala katapat nila! Sila ang mga celebs na binreak ng mga jowa sa pamamagitan ng text message

Text lang pala katapat nila! Sila ang mga celebs na binreak ng mga jowa sa pamamagitan ng text message
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel