Sarah Geronimo, nagsalita na sa wakas tungkol sa totoong saloobin sa kontrobersyal na Las Vegas concert

Sarah Geronimo, nagsalita na sa wakas tungkol sa totoong saloobin sa kontrobersyal na Las Vegas concert

- Tuloy pa rin ang This 15 me US tour ni Sarah Geronimo sa kabila ng pagiging emosyonal, at walkout na naganap sa Las Vegas concert niya noong Abril 29

- Sa kanyang Chicago concert, pinaliwanag ni Sarah ang totoong saloobin niya sa naganap sa Las Vegas

- Nag-panic lamang daw si Sarah dala ng pagod at walang tulog ngunit ngayon ay mas positibo nang Sarah ang humarap sa pagpapatuloy ng Concert series niya sa United States

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang maaliwas na Sarah Geronimo ang humarap at nagpaliwanag sa This 15 Me concert niya sa Chicago.

Doon sinabi ni Sarah ang detalye kumbakit siya naging emosyonal at nagawa pang mag-walkout sa kalagitnaan ng kantang nagpasikat sa kanya na "Forever's not enough". Ito ay naganap sa Las Vegas concert niya noong Abril 29.

Nalaman ng KAMI na nag-panic ang nag-iisang Pop Star Princess dahil wala raw siyang tulog at totoong pagod talaga siya.

Ayon sa ABS-CBN news, sinabi ni Sarah na dala ng matinding pagod, nawawala rin ang boses niya kaya pansin na hirap siyang kumanta bago niya tuluyang iniwan ang stage.

"Last time po naging emotional ako kasi nag-panic po ako. Walang tulog tapos parang nawawala yung boses ko," ani Sarah sa crowd ng Chicago concert niya.

"And then naalala ko siyempre 'yung journey ko, 'yung humble beginnings namin, pinagdaanan, at saka siyempre lahat po tayo may battles [in] life," dagdag pa niya.

Si Sarah na nagsimula ang career noong 2003 pa lamang mula sa pagkakapanalo niya sa singing contest na 'Star for a night' ay umaming di parin daw siya handa sa 'pressure' na dala ng kanyang kasikatan.

"I've been dreaming of it ever since I was a little kid. Hindi lang po ako naging prepared for everything, 'yung lahat, 'yung fame, 'yung pressure: pressure to stay relevant,"

"Ano ba next na movie ko? Next na song ko? Ano ba ang next na pasabog? Ano ba ang susuotin ko? Ano bang make-up ko? Parang kailangan na lang laging pag-isipan ng mabuti ang lahat. Parang kailangan lagi kang maganda, lagi kang naka-make up," paliwanag ni Sarah.

Narito ang video na nakuha ng KAMI mula sa Facebook.

Ngunit pinangako niya sa mga manonood niya sa Chicago na walang drama at iyakan ang magaganap sa gabing iyon.

"Pero wala pong iyakan ngayon, bawal. Nanu-news tayo e. Naba-bash tayo masyado. 'Wag nang ganun,"

"Akala nila nag-iinarte ako. Binigay na nga sakin ito, nag-iinarte pa ako? Aba mawawala din 'to so habang mayroon, go lang di ba? Ipon tayo," nakangiting sabi ni Sarah.

"I feel very, very, very blessed and I am truly blessed," pagtatapos ni Sarah.

Di rin nakalimutan ni Sarah na pasalamatan ang mga fans at tagasuporta niya na walang sawang umagapay at naninwala sa kanyang kakayahan kaya naman umusbong nang husto ang kanyang career.

"Thank you, thank you very much! Salamat! Kalma lang, kalma lang tayo!" bungisngis ng Pop Star Princess.

Si Sarah Geronimo na pangatlo sa apat na magkakapatid ang siyang 'breadwinner' ng kanilang pamilya.

Noong 2013, una nang inamin ni Sarah na naranasan daw niya ang 'quarter life crisis'.

Mula umpisa ng kanyang career ay lagi nakasuporta ang kanyang mga magulang na sina Daddy Delfin at lalo na ang kanyang ina na si Mommy Divine.

Cheneleng Pili's success story inspires us to keep chasing our dreams. Road to success: I cried a hundred times - makeup artist and business owner Cheneleng Pili on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Liza Soberano reacts to hilarious memes about her

Liza Soberano reacts to hilarious memes about her

Liza Soberano reacts to hilarious memes about her
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel