Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, gumanti sa mga pinaghihinalaan nilang 'paparazzi'

Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, gumanti sa mga pinaghihinalaan nilang 'paparazzi'

- Pinakita nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz kung paano sila rumesbak sa mga kumukuha ng kanilang photos/video

- Hindi nila pinalagpas ang pagkakataon gantihan ang mga pinaghihinalaan nilang puma-paparazzi moves sa kanila

- Umani ito ng iba-ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nagparamdam sa social media ang kontrobersyal na couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Nalaman ng KAMI na gumanti sila sa mga pinaghihinalaan nilang kumukuha ng photos/video nila sa isang restaurant.

Ayon sa ulat ng Fashion Pulis, kinunan din ng photo/video nina Ellen at John Lloyd ang mga pinaghinalaan nilang puma-paparazzi moves sa kanila.

Pero hindi lang doon nagtapos ang pag-ganti nila dahil ipinost din nila ito sa kanilang mga Instagram accounts.

Pinost ni John Lloyd and video na ito ng isa sa pinaghinalaan nilang 'paparazzi' at ng mapansin niya na kinukunan siya ng video ay nag peace sign pa ito.

Nilagyan ng aktor ng caption na "Reciprocity" and video.

Si Ellen naman ay pinost sa kanyang Instagram story ang mga naganap. Ibang tao naman ang laman ng IG story ni Ellen at ayon sa ibang reports naganap daw ito sa isang Ramen Restaurant.

Pinapakita lang nila Ellen at John Lloyd na hindi nila gusto ang kinukuhaan sila ng photo/video pag sila ay lumalabas.

"Oo yan ha . . . you know the feeling . . . uncomfy noh? When you PAP us, We PAP you too! Nasa resto eh. Its a tie."

Gumamit din si Ellen ng hashtag na #PaparazziMoves.

Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, gumanti sa mga pinaghihinalaan nilang 'paparazzi'

Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, gumanti sa mga pinaghihinalaan nilang 'paparazzi' (Photo by: Ellen Adarna via Fashion Pulis)

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga netizens dito.

Maraming netizens ang nagsasabing "feeler" naman daw masyado si Ellen at masyado naman daw silang sensitive ni John Lloyd.

Read some of the comments from netizens below:

"Aarte! Wag sila mag artista!"

"pabida tong si ellen"

"what happened to JLC and Ellen, dapat papalit na lang sila ng mukha or magmaskara sila."

"Public figures in a public place demanding privacy. Ironic. But then again, politicians and celebrtities shed off their privacy in public because they're public figures. Pero yung private persons na pinost nyo in a public forum to lead public attention to them, that is a clear violation of a private person's privacy. Hinay hinay Lloydie, may legal implication itong ginawa mo."

Ngunit meron ding iba na naiintindihan sila at kahit naman daw sino gusto din ng konting privacy sa buhay nila.

Read their comments below:

"Nagalit ba sila? Pinagsabihan ba yung fan? They just gave them a dose of their own medicine. Patas lang. Celeb or not, respect private time."

"privacy te di mo knows?!"

"Why do you need to take pics of celebrities when in restos or out of showbiz commitments, tao lang mga yan, just like us. Would you like random people taking your pics without asking permission from you first??? Just because celebrities sila is not an excuse to invade their privacy. Respeto naman..."

"Haay nako , mga tao ngayon masyado ng mga paki-alamera .. tao din mga artista , gsto lang kumain ng maayis , respeto naman ."

Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, gumanti sa mga pinaghihinalaan nilang 'paparazzi'

Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, gumanti sa mga pinaghihinalaan nilang 'paparazzi' (Photo by: Ellen Adarna via Fashion Pulis)

Kamakailan lang ay napa-balitang nanganak na raw si Ellen Adarna sa Singapore.

Sa Thomas Medical Center daw isinilang ni Ellen ang panganay nila ni John Lloyd Cruz.

Hanggang ngayon ay wala pa ding kumpirmasyon na nanggagaling sa celebrity couple tungkol dito.

Doctors had no idea what's wrong with Angelo. His mom is in pain watching her son suffer. This family needs money for appropriate medical checkup that would allow to set diagnosis. All together we can help! Find Marlyn Rosamiran's contact details in the end of the video.

I am bigger than my illness - Angelo - on KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral

Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral

Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel