Jennica Garcia appalled at age requirements for Kinder and Grade 1

Jennica Garcia appalled at age requirements for Kinder and Grade 1

- Umalma si Jennica Garcia sa age requirements na binigay ng DepED

- Ang nag-bother sa kanya ay ang mga age requirements para sa Kinder at Grade 1

- Para sa aktres ang mga bagay tulad ng pag-aaral ay hindi minamadali

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hands-on mom si Jennica Garcia kung kaya't hindi niya pinalalampas ang mga bagay na maaaring makaapekto sa anak niya.

Isa na rito ang tungkol sa edad na inimpose ng DepED kung kailang papasok ang bata sa eskwelahan.

Sa pinost ni Jennica, makikitang ang edad para maging Kinder ay "will turn 5 years old within SY 2018-19."

Ang para sa Grade 1 naman ay ang mga batang "turned 5 years old within SY 2017-18."

Sabi ni Jennica, imaginin daw, kung mayroon kang 5-year-old na anak, eh may grade schooler ka na?

Nakita ng KAMI na dagdag pa niya sa post niya na eto ay time kung saan maglalaro pa ang mga bata, at dahil dito ay pipilitin silang maupo sa classroom.

Tsaka kung malikot daw eh sasabihin may ADHD kaagad at kailangan ng assessment.

Eto ang buong pahayag ni Jennica Garcia tungkol dito.

"PLEASE SWIPE LEFT: I am saddened by the new DepEd Policy (DepEd Order No. 20) I find the age requirement disheartening! Imagine, if you happen to have a 5 year old child, you already have a grade schooler? Kasagsagan ng kanilang paglalaro, ang malaman ang kakayahan ng kani-kanilang mga katawan, kung paano makibagay sa mga tao ano man ang kanilang edad, mapipilitan silang gumising ng maaga para maupo sa upuan ng matagal at humakaw ng lapis, papel at aklat. Sa kanilang pag uwi, kinakailangan maupo muli upang tutukan naman ng mga magulang at tulungan sa kanilang homeworks at masigurong hindi babagsak ang kanilang anak sa mga test. Kapag hindi nakinig at malikot sa paaralan, ADHD agad. Kailangan ng "assessment" o kaya naman proper discipline dahil ang behavior ay hindi normal. Ang mga batang ito ba talaga ang hindi normal? O ang hindi normal ay ang expectations ng mga nakatatanda at ng mga propesyonal na nakapalibot sa bata? Opo nandun na po ako, marami ang walang problema kung matuto ng maaga academically ang kanilang anak pero paano naman po sa mga kagaya ko na naniniwalang hindi dapat minamadali ang mga ganitong bagay-bagay?"

Who is the woman beside Maja Salvador? on Kami YouTube channel This video shows where the amazing Maja Salvador got her great looks and bod!

Source: Kami.com.ph

Related news
Oh, siya 'yun?! Ito pala ang true names ng 13 celebrities na ito

Oh, siya 'yun?! Ito pala ang true names ng 13 celebrities na ito

Oh, siya 'yun?! Ito pala ang true names ng 13 celebrities na ito
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel