Marco Gallo, umamin sa tunay na nararamdaman para kay Juliana Gomez

Marco Gallo, umamin sa tunay na nararamdaman para kay Juliana Gomez

- Naging usap-usapan ang pictures ni Marco Gallo kasama si Juliana Gomez kamakailan

- Agad din binura iyon ni Marco ngunit marami na ang nakakuha ng kopya ng litratong iyon

- Nagsalita na rin siya tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nagulantang sa litrato ni Marco Gallo at Juliana Gomez na magkasama nang kumalat ito online.

Marco Gallo and Juliana Gomez have recently been the hot topic on social media because of viral photos of them together!

Sa isang panayam, inamin niya ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ikinuwento niyang una silang nagkakilala sa isang shoot ng isang clothing brand.

Nung mga panahong iyon wala silang alam tungkol sa isa't isa.

Hindi daw aware si Marco na mga high-profile celebrities ang parents ni Juliana na sina Richard Gomez and Lucy Torres-Gomez.

"Wala kaming connection [before]. I never knew his dad [Richard Gomez] before kasi siyempre taga-Italy ako, wala akong alam from here," saad niya

"Siyempre nung una nagkakahiyaan pa kami [sa shoot], parang tingin-tingin lang. Na-curious ako, parang 'bakit kaya?'"

Pagkatapos ng shoot, naging mas malapit daw di umano sila."So, nag-usap kami after some days. Tapos naging super close kami straight away So 'yun, people misunderstood na kami na.

Pero we're not yet [together]... I never saw this coming, 'yung friendship namin. I'm so glad because of [the clothing brand] na I had this chance to meet her."

Lalong naging mas maugong ang usap-usapan tungkol sa dalawa nang maging prom date ni Juliana ang binata nung April 29.

Kwento ni Marco, "I was supposed to go [sa prom ni Juliana], pagkatapos bigla na lang, days before, sabi sa akin, 'Ay Marco, hindi ka puwede pumunta, may taping ka.'"

Ayaw niyang ma disappoint si Juliana.

"As in every night I prayed na, 'Lord, please, sana ma-cancel ang taping ko.' In the end, na-cancel and 'yun nakapunta ako sa prom kasama siya."

Ayon pa sa kanya first time niya maka experience ng pumunta sa ganung prom, "Sa Italy, walang existing na prom na ganun.

Ito 'yung first. Iba siya, walang camera, siyempre may picture-an, pero hindi nakatutok sa'yo 'yung mata ng mga tao. You can act kung sino ka talaga.

Puwede kayo mag-usap na walang tumitingin sa inyo. Pagkatapos lahat ng mga tao, hindi ka kilala. So, thanks Lord. So, naging really fun 'yung prom na 'yun. It was like, I never want it to end."

Nang naitanong kung ano nga ba sila ni Juliana, ito ang kanyang naging sagot.

"We'll see kung anong mangyari, pero for now, I don't want to lose her. Ever. [She's] a special person for me. And that's what I can say for now."

Si Marco ay unang nakilala nang mapabilang siiya sa mga housemates ni Kuya sa PBB.

Nang makalabas ay ipinareha siya kay Kisses Delavin ngunit nabuwag ang kanilang tambalan di naglaon.

Siya ay kasama rin sa pelikulang DOTGA ni Kim Chiu at Ryan Bang.

This phenomenal Filipino love story will make you believe in magic - on Kami YouTube channel

Love is indeed one of the most powerful forces in the world. When it comes to love: what the mind forgets, the heart remembers.

Source: Kami.com.ph

Related news
Dream come true! Julia Barretto shares a glimpse of her almost finished mansion

Dream come true! Julia Barretto shares a glimpse of her almost finished mansion

Dream come true! Julia Barretto shares a glimpse of her almost finished mansion
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel