Tinawanan daw and idol nila? Angeline Quinto, may mensahe para sa mga Popsters

Tinawanan daw and idol nila? Angeline Quinto, may mensahe para sa mga Popsters

- Naghayag ng kanyang saloobin si Angeline Quinto matapos madawit ang pangalan sa isyu ng pagtawa di umano niya sa video ni Sarah Geronimo

- Nagbigay siya ng mensahe sa lahat ng tagasuporta ni Sarah matapos siyang makatanggap ng di magandang mga salita

- Itinanggi naman ng singer ang mga pinaparatang sa kanya

Naglabas ng mensahe sa pamamagitan ng Twitter si Angeline Quinto.

Ito ay matapos siyang akusahan na pinagtawanan daw niya ang video ni Sarah Geronimo.

Sa isa sa post ni Angeline, nakiusap siyang ilabas ang video na magpapatunay sa isyung ibinabato sa kanya.

Nakatanggap din daw siya ng masasakit na salita mula sa mga Popsters pero mas pinili niyang irespeto sila dahil na rin sa respeto niya kay Sarah G.

"Ngayon ko lang nabasa lahat ng messages ng Popsters. Ang taas ng tingin ko sainyo at laki ng respeto ko sainyong lahat. Dahil kay Sarah Geronimo, kahit anong masasamang sabihin niyo sa akin at kay Morisette, reresputuhin ko parin kayo dahil nirerespeto ko si Sarah," isa ito sa kanyang mga tweets.

Pinaliwanag din niyang Lunes na nang malaman niya ang nangyari kay Sarah na magpapatunay na wala talagang ganung pangyayari.

Matatandaang nag walk out at naiyak si Sarah sa concert nito abroad dahil sa sobrang pagod.

Naging usap-usapan ang naging concert niya sa Las Vegas sa kadahilanang feeling empty daw ang singer.

Marami namang mga artista at ordinaryong mamamayan ang nagpahayag ng suporta kay Sarah.

Source: Kami.com.ph

Related news
"Iza's bridal cartel!" Meet the coolest and most stylish bridesmaids of Iza Calzado

"Iza's bridal cartel!" Meet the coolest and most stylish bridesmaids of Iza Calzado

"Iza's bridal cartel!" Meet the coolest and most stylish bridesmaids of Iza Calzado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel