Kobe Paras, nakipag bonding sa half-siblings na anak ni Jackie Forster

Kobe Paras, nakipag bonding sa half-siblings na anak ni Jackie Forster

- Nakipag-bati na si Kobe at Andre Paras sa ina nilang si Jackie Forster

- Sa bagong posts ni Jackie, nalaman ng publiko na nagbonding din si Kobe kasama ang kaniyang half-siblings

- Ang half-siblings ni Kobe ay mga anak ni Jackie at ang pangalawa niyang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos makipag-bati sa ina niyang si Jackie Forster, nakipag-bonding na rin si Kobe Paras sa kaniyang mga half-sablings.

Nalaman ng KAMI mula sa social media post ni Jackie na tuwang-tuwa siya sa patuloy na pagganda ng relasyon niya sa kaniyang mga anak na sila Kobe at Andre Paras.

Sabi pa ni Jackie, makakasama rin sa future ng kaniyang mga anak si Andre.

“One day soon we will have one with Kuya @andreparas too. How great is our God!?

“I can’t thank you all enough for the prayers! from mid feb.2018

“All Glory be to God,” sulat ni Jackie.

Dagdag pa niya, sweet daw ang interaksyon ng kaniyang mga anak kay kuya Kobe nila.

“The night they met, from the moment they all ran to hug Kuya Kobe for the first time until we walked to the car and restaurant agawan sila who will hold Kuya’s hand!

“YoYo is the most shy but was the most possessive that night he refers to Kobe as ‘my Kuya Kobe’ and will elbow you if you try to take Kuya’s hand before him,” lahad ng dating aktres.

Ipinanganak ni Jackie si Kobe noong September 1997 at si Andre naman noong November 1995.

Ang tatay ng magkapatid ay si Benjie Paras.

Nang maghiwalay si Jackie at Benjie, ikinasal naman ang aktres sa isang non-showbiz foreigner.

Meron nang tatlong anak sila Jackie at ang kaniyang pangalawang asawa.

Naniniwala ang KAMI na ang marurunong magpatawad ang nagkakaroon ng tunay na ligaya at kapayapaan sa buhay!

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" To All Single Moms Out There (Parenting Documentary) – on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Text lang pala katapat nila! Sila ang mga celebs na binreak ng mga jowa sa pamamagitan ng text message

Text lang pala katapat nila! Sila ang mga celebs na binreak ng mga jowa sa pamamagitan ng text message

Text lang pala katapat nila! Sila ang mga celebs na binreak ng mga jowa sa pamamagitan ng text message
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel