Vice Ganda, umamin na muntik nang iwan ang showbiz dahil sa depresyon

Vice Ganda, umamin na muntik nang iwan ang showbiz dahil sa depresyon

- Inamin ni Vice Ganda na sa kabila ng tagumpay sa showbiz, ay dumaan din siya sa depresyon

- Dumating din sa punto na kinausap niya ang management ng ABS-CBN na iwan muna pansumandali ang showbiz, bawasan ang kanyang mga proyekto dahil sa tindi ng pinagdadaanan sa sarili

- Sa katunayan, kamakailan lamang niya ito naramdaman na kinailangan pa niya ng doktor dahil di na siya makatulog dala ng depresyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natanong ang unkabogable na si Vice Ganda tungkol sa komento niya sa ginawang 'emotional breakdown' ni kay Sarah Geronimo sa isang concert niya sa Las Vegas.

Laking gulat ng ABS-CBN news sa pag-amin ni Vice na minsan na rin siyang dumaan sa halos parehong sitwasyon kung saan nakaramdam siya ng matinding pagod sa mga nangyayari sa kanya sa showbiz.

Napag-alaman din ng KAMI na kamakailan lamang ay kinailangan pa ni Vice na kumausap ng isang doktor sa pag-aakalang siya ay dumadaan sa depresyon.

"I actually experienced the same thing just recently," panimula ni Vice sa isang panayam sa kanya ng ABS-CBN.

"Na-depress ako. I underwent depression. I actually had to meet a doctor, and asked for professional help. Hindi ako nakakatulog, nagkakaroon ako ng anxiety attack. May mga atake sa akin, na nahihirapan ako magtrabaho." ani Vice.

Dahil sa matinding pinagdaraanan, dumating pa raw sa punto na pipiliin na sana ni Vice ang lisanin pansamantala ang showbiz.

"I even thought of leaving muna. Nagpaalam nga ako sa management. Tinanong ko kung puwede bang hindi na ako mag-film fest, puwede bang magbawas ako ng show. Naging gano'n ako," wika ni Vice.

Salamat sa mag-asawang sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid na siyang nakapagpabago ng isip niya tungkol sa kanyang estado na pagiging 'depressed'.

Nagkaroon daw siya ng masinsinang pag-uusap kasama ang mag-asawa at ito ang kanyang natutunan,

"Ang pinaka-magandang natutunan ko, 'yung sinabing, 'The mind is the playground of the devil.' Kasi lahat tayo may purpose, e. Lalo na kami, ang laki ng binigay sa aming blessings, ang laki rin ng obligasyon nito. At ito ay may purpose kung bakit sa amin ibinigay."

"Feeling ko, pinaglaruan ng devil 'yung utak ko para malungkot ako, at hindi ako makapagpatawa, para isipin kong pagod na ako, at umayaw na ako, para hindi na ako magpatawa, para isipin kong hindi ako blessed at hindi ako masaya, para malungkot ako. In fact, I am so blessed. I am so happy pala. Hindi ko lang 'to napapansin, kasi hinayaan ko 'yung devil na paglaruan ang utak ko."

Mula raw noon ay naiba ang perspektibo niya sa buhay, naging mas masigasig pa siya sa kanyang trabaho dahil nagkaroon siya ng mas malalim na dahilan para ipagpatuloy ang paghahatid saya sa mga tao.

"Ngayong alam ko nang pinag-ti-tripan ako nitong devil, hindi ko ito papayagan. Every day, naka-mind set ako -- I have to be happy, I embrace my happiness and my blessings, and I have to serve my purpose. Kaya every day sa 'Showtime,' nagpapatawa ako dahil iyon ang purpose ko, at iyon ang masaya akong ginagawa ko," wika ni Vice.

Nagsimula si Vice sa showbiz mula pa noong 1999, ngunit mas umusbong ang kanyang carrer mula noong napabilang siya sa mga host ng noontime show na 'It's Showtime'

2010 nang nagsimula si Vice na maghatid sa atin ng mga top-grossing films.

Mula noon, taon-taon na ang pagkakaroon niya ng mga pelikulang patok lagi sa takilya.

This video is to pay tribute to Aubrey and to raise awareness about the depression. Depression has no face | Kami Stories on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Never sold?! Neverland ni Michael Jackson hindi mabenta benta umano

Never sold?! Neverland ni Michael Jackson hindi mabenta benta umano

Never sold?! Neverland ni Michael Jackson hindi mabenta benta umano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel